Tuesday, January 13, 2009

Pagsubok

Dumating nanaman ang panahon na to...

Panahon na halo ang sarap at hirap...

Pagkagising ko, ayoko pang bumangon...

Pagdadalawang isip kung gusto ko bang gumalaw na, o mananatili akong nakahandusay sa kama...

Ngunit wala kang magagawa, aandar ang oras, hindi ka nito hihintayin, maiiwan ka lang pag hindi ka kumilos...

Eto na ang kinatatakutan ko...

Manginginig, mangingisay, at mararamdaman na nag-iisa ka pero wala kang magagawa kundi tiisin ang paghihirap...

Iisipin mu nalang, matatapos din ito, haharapin mo to ng may kaunting pagmamadali...

Hindi ako mkapaniwala na uulitin ko ito habang ako'y nabubuhay......



Pakshet! AYOKO TALAGANG MALIGO SA UMAGA PAG JANUARY!!!

-papainit na nga ako ng tubig bukas...

Wrong hair

Q: Kasal ng pinsan ko sa katapusan, magpapagupit ba ako??

Wait!!

1. Sunday morning, umattend ako ng binyag ng baby ni Arnold, ang aking magiting na tagagupit, sbi nya malapit na syang pumunta ng Malaysia, mga 2 weeks nlang, kung magpapagupit ako kailngan ko nang gawin asap.. Isa nga ba itong sign?!

2. Nabigyan ako ng memo dahil hindi ko sinunod ang company policy about proper office looks. Kasama kaya ang aking buhok sa napansin ng mga linta at ito ba ang sign number 2?

3. Wala akong maisip na number 3, hinihigop na ba ng aking buhok ang lahat ng nutrients na kailangan ng aking utak para makaisip ng pangatlong sign?! OMG! (Oh my galungong!)

Ngunit ika nga ni Lapulapu: "Anong paki mo, sa long hair ko!!" (Sabay saksak kei Magellan..)

Conclusion-

Magpagupit man o hindi, either way, magmumukha pa din akong bangkay sa barong kasama ng aking dalawa pang kuya, pero ok lang, gustong gusto ko kayang nagsusuot ng barong.. Rakenrol!

A: Malay ko, abangan ang susunod na kabanata...

Sunday, January 11, 2009

Feel-lipino

Couple of weeks ago nagpnta ako sa intramuros, dala cguro ng kauratan sa pag stay sa bahay pag weekends, kaya naisip ko magpunta dun, since buhay pa si inday badiday nung huli akong nakapunta dun..

Wow! Maski yung mga corporate offices chka mga bangko old school yung datingan, pati nrin mga magttaho chka mga iba pang vendors. Samantalang nung huling punta ko dun, bored na bored ako, konti nalang kunin ko yung baril ng guardia civil para mtapos na ung paghhirap ko...

Anyway...

Alam mu ba ang history ng KKK? Ako hindi, alam ko lang yung "who's who" ng KKK pero ung history itself? Dehins..

Mey parada, Philippine history yung theme, nakuwa nya yung eksaktong kasaysayan ntin, maikli pero mkabuluhan.

Teka, matanong ko lang, kelan mo huling tinitigang ang bandera ng natin? Nung oras na yun kasi, tinitigan ko ang bandera ng matagal. Iba yung pakiramdam, nakakaproud. Narealize ko na mahusay yung mga pinoy.

-Snap back to reality...

Hindi lahat ng pinoy ok.. Ung iba a-hole..

Hindi ako kasama dun. Heheh. Later.

Friday, January 2, 2009

Year of the Oks

5, 4, 3, 2, 1... HAPPY NEW YEAR!!

Si kichian nag ga-god of war 2 nun, si kyrie nagsasayaw, ako nanood at naaliw s kanilang dalawa, yun para s akin ang perfect na salubong ng new year, kasama yung dalawa kong pamangkin sa loob ng bahay. Nakakasawa na kasi panoorin yung mga paputok sa labas, wla nang sense pag hindi kna gnun kabata, puro ingay chaka usok lang ang ginagawa, chka ayoko nang magsaya kasama yung mga tao na wla nmang gagawin kundi magreklamo buong taon..

"Same old shit, different year..."

Kamusta ba yung 2008 ko? Wala nman msyado atang naganap, tatlong trabaho, yung dalawa wlang kwenta. Pero wala naman akong dapat ireklamo kasi ok nman ako ung estado ng buhay ko, atleast pumasok yung 2009 na hindi ako nagugutom, ayos na s akin yun.

Dumaan si Veni, Rhoda, Peejay chaka Hazel after nung putukan, nag inuman kme s kalsada pero konti lang, ayoko kasing salubungin yung taon na nalulunod s bisyo na hindi ko nman kailangan para sumaya.

Sana manindigan ung 2009 sa title nya: year of the oks! Heheh

 
Blogger design by suckmylolly.com