Hindi masaya
Pero mabangis
Hindi maaraw
Pero mainit
Hindi maliwanag
Pero nakakasilaw
Hindi tuyo
Pero magasgas
Hindi mura
Pero epektibo
Hindi magaan
Pero matulin
Hindi tahimik
Pero mapayapa
Hindi mahaba
Pero matagal
Hindi malamok
Pero makate
Hindi makulay
Pero kaaya aya
Hindi nakakatawa
Pero nakakangiti
Hindi masarap
Pero nakakabusog
Hindi makabuluhan
Pero importante
-ito ang aking sabado.
Sunday, July 19, 2009
ang aking sabado
Bulalas ni Dan Yamat at 2:32 AM 0 comments
Friday, July 17, 2009
keyepsi
Bagyo nanaman..
Sarap matulog kanina, buti walang pasok si Kichian, nakatulog ako ng medyo mahaba haba kanina. Pero don't get me wrong, gusto kong sinusundo yung pamangkin ko. Kaso sadyang masarap matulog ng mahaba pag malakas ang ulan.
Kaso..
Badtrip nga lang dahil nagising ako sa mga nagiinuman na mga kabataan sa labas ng bahay namin, dahil nacancel ang ulan, naisipan ng pinsan ko na bitbitin sa amin ang kanyang mga kaklase para sa isang maagang inuman.. Masarap uminom pag umuulan, pero hindi ko gusto umiinom ng umaga, hindeng hinde. Isa pa hindi talaga ako mahilig uminom, pag natripan lang sige pero hindi hinahanap ng katawan ko, buti nga iba ako sa mga kamag-anak ko na umiikot ang mundo sa alkohol.
Pasok na..
Habang naglalakad ako sa may Guadalupe tulay meron akong nakitang ginagawang straktura. Ang lugar nito ay ang dating ukay-ukayan na lagi kong pinamimilihan kaya masama sa loob ko na tanggalin ito at palitan ng bagong establishment.
Ngunit..
Namalayan ko na korteng Fast Food restaurant ang nasabing straktura. Ako ay nacurious, at unti-unti ko itong nilapitan. Tatlong letra ang nagpahinto sa aking hininga, habang papalapit ako, nakita ko ang unang letra... K.... Palapit ng palapit... F... Nanlaki ang aking mata... C... Paking shet! Magkakaron na ng KFC sa tulay! Nagmadaling dumaloy ang dugo sa aking buong katawan! Matagal ko nang pangarap na maging abot kamay ang KFC at ngayon ay unti-unti na itong natutupad. Napahinto ako at parang baliw ay napangiti mag-isa. Mga munting kasiyahan sa buhay na hindi mapapalitan ng pera. Isa ito dun.
Byernes..
Kailangan kong magdownload ng mga pelikula at episodes ng Mythbusters ngayon dahil matagal na akong hindi nakakapag movie marathon. Kung bibilangin ko, malamang ay mahigit 300 movies na ang napanood simula nung January. Kung hindi ka naniniwala, tanungin mo ang mga kasama ko sa bahay o kaya ay si DJ. Huling araw din ng pasok at bukas ay off na. Sana wag mang kill joy ang ulan..
Teka, tinatawag ako ng bisyo. Babalik ako mamya..
Bulalas ni Dan Yamat at 2:47 PM 0 comments
Monday, July 13, 2009
Maam Present
Sorry kung medyo nawala ako ah. Hindi naman sa madaming nangyari, sa totoo nyan konti lang, kaso minsan hindi maiiwasan ng isang tao na mawala sa sirkulasyon.
Anyway, let's have an update..
Patay na si Michael Jackson at isa ako sa mga taong naka aapreciate talaga sa kanya pagkatapos niyang pumanaw. Hindi ko kasi generation si MJ, musmos palang kasi ako nung mga Bad chaka Smooth Criminal. Pero may malay na ako nung album na Dangerous, meron kasi nun si Uncle Biboy, sobrang fascinated pa ako dahil cd yung copy nya, pwede mong iprogram kung ano lang yung gusto mong track. Black or White chaka Remember The Time yung sobrang gusto kong kanta sa album na yun. Itong album lang na to talaga ang nagmulat sa akin sa totoong talento ni Jacko. Ang galing nga eh kasi nung bata ako, hindi ko namamalayan yung evolution ng mukha nya, hindi ko din napansin yung lungkot ng buhay nya at lalong hindi ko napansin na napaka weirdo nya, ang alam ko lang ay magaling siyang kumanta at sumayaw, nagsiswimming daw siya sa Dead Sea at kaya nyang tumayo ng pa-diagonal. Parang superhero si MJ dati. Teka, namiss ko yung ganung pakiramdam, nung akala ko ay may superhero talaga, parang si Hulk Hogan. Badtrip nung nalaman ko na scripted and WWF at patented na trick lang pala yung Anti-Gravity na lean. Bukod sa You Are Not Alone, wala na akong ibang kabisado na kanta ni MJ. Kahapon buong araw yung tribute ng MTV kay MJ, dun ko nakita ang totoong talent nya, no doubt na siya talaga ang hari.
Sayang si Micheal Jackson kaso ganun talaga ang buhay. Malamang ngayon ay nagmu-moonwalk na yun sa langit.
May nakita ako sa TV na Biometrics daw na voting machine. Siyempre sangkatutak ng pera nanaman ang gagamitin para mas mapadali ang pandudugas nila. Sabi ko nung una kong makita yun, malamang ay pumalpak yung mga machines na yun, awa ni batman tama ako. Testing palang nung isang machine, umusok na at nasunog, testing palang yun, under supervision pa ng mga technicians, palpak padin, pano kung isang hindi pamilyar na tao ang mamamahala nun sa mga prisinto sa mga eskwelahan? Kaawaan nawa.
Kapitan Sino. Ito ang bagong libro ni Bob Ong. Bumili ako pero hindi ko pa nababasa, wala pang oras. Isa nanamang nobela kagaya ng MacArthur. Magpopost ako ng review pag nabasa ko na. Sana maganda.
Walang nangyari sa Hayden Kho at Katrina Halili scandal, walang nakulong. Sabi ko sayo eh.
Pero merong bagong album yung lalaking Calayan. Gusto nyang ipakita sa atin na meron siyang talent sa pagkanta, at gusto ko naman ipakita sa kanya ang gitnang daliri ko.
Sisimulan ko na uling magdaldal.
Bulalas ni Dan Yamat at 3:20 PM 0 comments