Bagyo nanaman..
Sarap matulog kanina, buti walang pasok si Kichian, nakatulog ako ng medyo mahaba haba kanina. Pero don't get me wrong, gusto kong sinusundo yung pamangkin ko. Kaso sadyang masarap matulog ng mahaba pag malakas ang ulan.
Kaso..
Badtrip nga lang dahil nagising ako sa mga nagiinuman na mga kabataan sa labas ng bahay namin, dahil nacancel ang ulan, naisipan ng pinsan ko na bitbitin sa amin ang kanyang mga kaklase para sa isang maagang inuman.. Masarap uminom pag umuulan, pero hindi ko gusto umiinom ng umaga, hindeng hinde. Isa pa hindi talaga ako mahilig uminom, pag natripan lang sige pero hindi hinahanap ng katawan ko, buti nga iba ako sa mga kamag-anak ko na umiikot ang mundo sa alkohol.
Pasok na..
Habang naglalakad ako sa may Guadalupe tulay meron akong nakitang ginagawang straktura. Ang lugar nito ay ang dating ukay-ukayan na lagi kong pinamimilihan kaya masama sa loob ko na tanggalin ito at palitan ng bagong establishment.
Ngunit..
Namalayan ko na korteng Fast Food restaurant ang nasabing straktura. Ako ay nacurious, at unti-unti ko itong nilapitan. Tatlong letra ang nagpahinto sa aking hininga, habang papalapit ako, nakita ko ang unang letra... K.... Palapit ng palapit... F... Nanlaki ang aking mata... C... Paking shet! Magkakaron na ng KFC sa tulay! Nagmadaling dumaloy ang dugo sa aking buong katawan! Matagal ko nang pangarap na maging abot kamay ang KFC at ngayon ay unti-unti na itong natutupad. Napahinto ako at parang baliw ay napangiti mag-isa. Mga munting kasiyahan sa buhay na hindi mapapalitan ng pera. Isa ito dun.
Byernes..
Kailangan kong magdownload ng mga pelikula at episodes ng Mythbusters ngayon dahil matagal na akong hindi nakakapag movie marathon. Kung bibilangin ko, malamang ay mahigit 300 movies na ang napanood simula nung January. Kung hindi ka naniniwala, tanungin mo ang mga kasama ko sa bahay o kaya ay si DJ. Huling araw din ng pasok at bukas ay off na. Sana wag mang kill joy ang ulan..
Teka, tinatawag ako ng bisyo. Babalik ako mamya..
Friday, July 17, 2009
keyepsi
Bulalas ni Dan Yamat at 2:47 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment