Naparami ako ng kape ngayon.
Kaso hindi ko maiiwasan dahil mabilis akong antukin.
Ngunit ayokong manginig.
Pero kahit na. Makapag kape nga.
Alas sais ng hapon na.
Limang oras pa bago ako umuwi.
Meron bang bagong mangyayari pag dating ko sa bahay?
Malamang wala.
Wala akong ibang naririnig kundi ang huni ng erkon.
Napakatahimik ng mundo, minsan.
Ano bang mas gusto ko?
Payapa o maingay?
Naalala ko ang manunulat na si Benjamin Pascual.
Kaya ba ganito ako magsulat?
Gaya gaya ka.
Sino? Ako?
Sino ka?
Dalawang tanong yun, "Sino?" at "Ako?".
Ah..
Umingay ang huni ng erkon.
Kaso mas nakakabingi pag pinatay ito.
At mas mainit.
Dapat sanay ako sa init, dahil mainit sa Pilipinas.
Pero mas mainit sa sawdi.
Pero malamig daw pag gabi.
Dapat masanay sila sa init at lamig.
Mahirap yun ah.
Sanay sila, nakakapag suot sila ng makapal sa arawan,
Siguro nga.
Naiinitan ang paa ko.
Ayokong nagsasapatos.
Pero bakit ako nagsapatos?
Dahil gusto kong maiba naman.
LQ ang paa ko at tsinelas ko.
Pero sana bati na sila bukas.
Babalik nanaman ako sa pagiging indio.
Laging naka tsinelas.
Teka, pinaglaban ng Katipunan ang mga indio.
Kaya dapat akong magsapatos.
Para hindi mabaliwala ang pinaglaban nila.
Dapat magising ako ng maaga bukas.
Para mapanood ko ang Bitag.
Yari silang lahat kay Tulfo.
Yari talaga.
Magaling si Tulfo mag English, may accent.
Tsaka matapang.
Dapat magkaron siya ng sariling komiks.
Ako nalang ang gagawa ng komiks niya.
Tutal marunong ako mag drowing kahit konti.
Siguro gagayahin ko si The Punisher.
Vigilante.
Gaya gaya ka.
Sino? Ako?
Sino ka?
Naparami nga ako ng kape ngayon.
Tuesday, August 11, 2009
Overdose
Bulalas ni Dan Yamat at 7:46 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment