Friday, October 23, 2009

Yes Biernes

Dalawang malakas na bagyo, sangkatutak na bahang lugar , nag atrasan at nag abantehang mga kandidato sa pagka pangulo, namatay na miyembro ng Boyzone, pagkasarap sarap na bakasyon sa Cebu at Bohol, sirang cellphone, birthday ni Loki, birthday ni Beloy, nabugbog si Juan Manuel Marquez ni Floyd Mayweather Jr., nawala at bumalik na cable, tatlong memo, at si Bruno..

Itong ang mga pangyayari na naganap mula nang huli akong nag post.

Pasensiya kung hindi ako masyadong nag sulat, hindi ko rin alam kung bakit, kaya pasensiya na talaga.

Oo nga pala... Ito ang aking mga nadiskubre...

* Ang pelikulang Ghostbuster pala ang pinagsimulan ng The Real Ghostbusters na cartoon show. Kala ko dati yung cartoon yung una tapos ginawang pelikula.

* Canadian si Leslie Nielsen.

* Sinubukang gayahin ng Germany ang Coca-Cola, tinawag nila itong Fanta.

* Speaking of Coke, ang unang kulay pala nito ay green.

* Ang kantang Happy Birthday ay copyrighted.

* At narating ni Jestoni Alarcon ang kanyang paroroonan HABANG nakalingon sa kanyang pinanggalingan.

- The End -


Sino nga pala ang iboboto mo next year? Sigurado ka na? Basta siguraduhin mong hindi ka nila mauuto. Nakakatawa ang mga kandidato, hindi sila magkanda-ugaga sa mga pangako nila. Nakakasawa na rin minsan makinig, kaso malay natin, mamya isa pala sa mga yun ay may planong tumupad sa mga pangako niya. Asa. Pero malay natin.

ONE MILLION PESOS A DAY! Yan ang sahod ni Willie Revillame sa paghohost ng Wowowee! Kala ko dati talkies lang yun, hindi pala. Grabe. One million pesos a day. Kawawang mga basurero...

Kanina pala habang naghahanap kami ni Vanna na makakain sa Robinson's Pioneer, napansin namin na merong iniinterview na manong ng mga kalalakihang na green na may nakasulat na Tuseran sa likod. Pagtingin ko sa likod, meron palang hidden camera, wow, merong shinushoot na commercial, kaya wag ka nalang magtaka pag nakita mo ko sa TV. Ang tanong, handa na ba ako sa buhay artista??

Ang bilis, patapos na nanaman ang taon.

Meron akong mga pahabol na gamit na gustong bilhin bago matapos ang taon, medyo may kamahalan at konti nalang ang natitirang buwan para magipon kaya kailngan ko ang gudlak galing sa inyo.

Kayo: Gudlak!
Ako: Tenks!

Madaming bagay ang hindi kailangan ng tao para mabuhay, as in madami. Pero karamihan sa mga ito ay kailangan mo para maging mas madali ng konti ang buhay mo.. Example:

Magandang Camera - Para sa mga Kodak moments, kasi sooner or later magiging ulyanin ka na, at kailangan mo ng mga larawan para mapaalala sa'yo ang ginintuang sandali sa maiksi nating buhay. Kaya ko sinabing "Magandang Camera" siyempre para maalala mo maski ang maliliit na detalye ng alalala na yun, kagaya ng tigyawat at white heads.

Magandang Cellphone - Para one e-load away ka sa mga kaibigan at kamag-anak mo, one tutok away sa mga Kodak moments din, one click away sa mga paborito mong kanta na magbibigay payapa sa hyper mong utak, at five pesos away sa mga impormasyon na kailagan mo na tanging makukuwa mo lamang [kaagad] gamit ang wikipedia at dictionary.com. Kaya ko sinabing "Maganda" para hindi naman tayo magmukhang unemployed.

XBOX 360 - Bakit ka ba? Gusto ko mag Assassin's Creed eh.

Eto lang muna, kailangan ko pa kasing mag-ipon eh tsaka nauubusan na ako ng palusot.

Yes biernes. Biernes yes.

0 comments:

 
Blogger design by suckmylolly.com