Monday, March 16, 2009

Sa Mga Kuko ng Liwanag

I have been looking for this film by Lino Brocka for quite some time now, and then finally, nakahanap ako ng site na pwede pag downloadan. Sa mga taong gumagamit ng torrent applications, alam nyo kung gano katagal abutin ang isang movie diba, so it took me around 2 days before ko sya natapos and another 2 days before ko napanood.

Anyway...


Maynila: Sa Mga Kuko ng Liwanag. Yan yung title ng movie. Sobrang luma na, first film ata ni Rafael Roco Jr. or more commonly known as Bembol. Bata pa si Hilda Koronel, 6 pesos palang ang polo, 30 pesos pwede na mag "gudtaym" ang dalawang tao, solid tagalog pa ang salita, at pinoy na pinoy pa ang pinoy.

What ifs...

Ikaw, kaya mo kayang mabuhay ng walang cellphone, walang friendster, walang facebook, walang MySpace, walang YouTube, walang online games, walang starbucks, walang gladiator sandalas, walang havaianas, walang mall of asia, walang twilight, walang malate, eastwood at serendra, walang FHM, walang San Mig Light, walang instant messenger, at ang libangan lang ay komiks at sina Guy and Pip.

Isang bente-uno anios na mangingisda na nagpunta ng Maynila para sundan ang kanyang nobya na si Ligaya Paraiso (napakagandang pangalan no?) na dinala ng isang recruiter. Mahirap ang buhay sa Maynila pag tiga probinsya ka nung araw, isang kahig isang tuka. 2.50 pesos, yan ang arawang bayad sa mga baguhang trabahador ng isang kunstraksiyon ng isang building. Sasabihin mo na iba naman yung rate ng pera dati kaya ok na siguro yun, dehins padin ata. Panahon na takot ang mga pobreng pinoy sa mga intsik na hari ng negosyo, madumi ang estero, mahirap maghanap ng trabaho at sinisistema at pinapahirapan ng mga taong nasa taas ang mga pobreng nakatingala sa kanila. Ito ang nakita ko sa loob ng humigit kumulang na dalawang oras na panonood ko.

Ano ba ang pinagkaiba nya ngayon? Actually, para atang wala, parang gnun padin ang pinas, Sinisistema padin ang pasahod, kinatatakutan ang mga "bossing" na mga banyaga, andyan padin and mga estero na puno ng basura, makakakita ka padin ng mga "promdi" na nandito sa maynila dahil sa pangarap ng magaan-gaan na buhay. Nagbago lang ang itsura ng pinas pero ang pag andar, ganun padin. Isa lang ang talagang nagbago, wala na si Lino Brocka.

From Wikipedia: "The low-budget film was a breakthrough hit. Many critics around the globe who have seen the film gave it positive reviews. The local audiences found the movie very distinct that it was regarded as "possibly the greatest Filipino film of all time".

Asan na yung mga ganitong pelikula ngayon? Tanging mga independent film makers nalang ba ang mey lakas ng loob na ipakita ang totoong pinas? Ilang pinoy ba ang kilala mo na nagpapalipad ng private plane kagaya ng pelikula ni Richard Gutierez chaka KC Concepcion? Bakit hindi alam ng mga tao na mey mga pinoy indie films na nagtatamo ng sangkatutak na parangal sa ibang bansa? Bakit nawala ng ang kredibilidad ng mga dati ay mahuhusay ng direktor? At bakit ang dami kong tanong?

0 comments:

 
Blogger design by suckmylolly.com