Dalawang malakas na bagyo, sangkatutak na bahang lugar , nag atrasan at nag abantehang mga kandidato sa pagka pangulo, namatay na miyembro ng Boyzone, pagkasarap sarap na bakasyon sa Cebu at Bohol, sirang cellphone, birthday ni Loki, birthday ni Beloy, nabugbog si Juan Manuel Marquez ni Floyd Mayweather Jr., nawala at bumalik na cable, tatlong memo, at si Bruno..
Itong ang mga pangyayari na naganap mula nang huli akong nag post.
Pasensiya kung hindi ako masyadong nag sulat, hindi ko rin alam kung bakit, kaya pasensiya na talaga.
Oo nga pala... Ito ang aking mga nadiskubre...
* Ang pelikulang Ghostbuster pala ang pinagsimulan ng The Real Ghostbusters na cartoon show. Kala ko dati yung cartoon yung una tapos ginawang pelikula.
* Canadian si Leslie Nielsen.
* Sinubukang gayahin ng Germany ang Coca-Cola, tinawag nila itong Fanta.
* Speaking of Coke, ang unang kulay pala nito ay green.
* Ang kantang Happy Birthday ay copyrighted.
* At narating ni Jestoni Alarcon ang kanyang paroroonan HABANG nakalingon sa kanyang pinanggalingan.
- The End -
Sino nga pala ang iboboto mo next year? Sigurado ka na? Basta siguraduhin mong hindi ka nila mauuto. Nakakatawa ang mga kandidato, hindi sila magkanda-ugaga sa mga pangako nila. Nakakasawa na rin minsan makinig, kaso malay natin, mamya isa pala sa mga yun ay may planong tumupad sa mga pangako niya. Asa. Pero malay natin.
ONE MILLION PESOS A DAY! Yan ang sahod ni Willie Revillame sa paghohost ng Wowowee! Kala ko dati talkies lang yun, hindi pala. Grabe. One million pesos a day. Kawawang mga basurero...
Kanina pala habang naghahanap kami ni Vanna na makakain sa Robinson's Pioneer, napansin namin na merong iniinterview na manong ng mga kalalakihang na green na may nakasulat na Tuseran sa likod. Pagtingin ko sa likod, meron palang hidden camera, wow, merong shinushoot na commercial, kaya wag ka nalang magtaka pag nakita mo ko sa TV. Ang tanong, handa na ba ako sa buhay artista??
Ang bilis, patapos na nanaman ang taon.
Meron akong mga pahabol na gamit na gustong bilhin bago matapos ang taon, medyo may kamahalan at konti nalang ang natitirang buwan para magipon kaya kailngan ko ang gudlak galing sa inyo.
Kayo: Gudlak!
Ako: Tenks!
Madaming bagay ang hindi kailangan ng tao para mabuhay, as in madami. Pero karamihan sa mga ito ay kailangan mo para maging mas madali ng konti ang buhay mo.. Example:
Magandang Camera - Para sa mga Kodak moments, kasi sooner or later magiging ulyanin ka na, at kailangan mo ng mga larawan para mapaalala sa'yo ang ginintuang sandali sa maiksi nating buhay. Kaya ko sinabing "Magandang Camera" siyempre para maalala mo maski ang maliliit na detalye ng alalala na yun, kagaya ng tigyawat at white heads.
Magandang Cellphone - Para one e-load away ka sa mga kaibigan at kamag-anak mo, one tutok away sa mga Kodak moments din, one click away sa mga paborito mong kanta na magbibigay payapa sa hyper mong utak, at five pesos away sa mga impormasyon na kailagan mo na tanging makukuwa mo lamang [kaagad] gamit ang wikipedia at dictionary.com. Kaya ko sinabing "Maganda" para hindi naman tayo magmukhang unemployed.
XBOX 360 - Bakit ka ba? Gusto ko mag Assassin's Creed eh.
Eto lang muna, kailangan ko pa kasing mag-ipon eh tsaka nauubusan na ako ng palusot.
Yes biernes. Biernes yes.
Friday, October 23, 2009
Yes Biernes
Bulalas ni Dan Yamat at 9:45 PM 0 comments
Friday, August 14, 2009
Pogi Points-O-Meter
Tignan natin kung epektibo ka sa mga kababaihan. Tignan natin kung karapat dapat ka ngang ngitian. Tignan natin kung ikaw ay kinakakiligan. Tignan natin kung ikaw ba ay tunay o isa lang feeling-feelingan. Dahil ito ang...
Pogi Points-O-Meter
(1-4 embang, 5 pasang awa, 6-10 astigin)
- Gumagamit ka ng pomada. (5 Pogi Points)
- Lagi kang nakatingin sa salamin ng mga sasakyan. (3 Pogi Points)
- Inaalalayan ang syota sa pagbaba sa jeep. (10 Pogi Points)
- Pinapaliguan si Lolo. (2 Pogi Points sa mga kikay, 8 Pogi Points sa mga nasa kumbento)
- Hindi nag totoothbrush. (0 Pogi Points sa mga babae, 2 Pogi Points kay Doc)
- Pangalan mo ay Jestoni. (57 Pogi Points)
- Naliligo lagi. (7 Pogi Points *may vary depende sa sabon)
- Magaling kang magluto. (8 Pogi Points)
- Adik ka sa Twilight. (8 Pogi Points *may vary depende sa kausap, 0 Pogi Points kay Lestat, may kasama pang kaltok)
- Marunong kang mag Moonwalk. (7 Pogi Points)
- Talsik laway. (1 Pogi Point)
- Kaamoy mo si Jomari. (9 Pogi Points)
- Kaamoy mo ang drayber ni Jomari. (3 Pogi Points, may kasamang eewwww)
- Marunong kang mag drawing, mag gitara at pangalan mo ay Dan. (56 Pogi Points, shit hindi umabot kay Jestoni)
- Meron kang close-up smile. (7 Pogi Points, 1 Pogi Point kay Doc, patay negosyo)
- Kamukha mo si Piolo Pascual. (8 Pogi Points, minus 4 kasi mukha kang bading)
- Ikaw si Veni. (-25 Pogi Points, may consideration na)
- Mahilig ka sa Starbucks. (6 Pogi Points)
- Mahilig ka sa kapeng barako. (15 Totoy Mola Points)
- Kasing tapang mo si Ben Tulfo. (10 Pogi Points, 1 headshot galing kay Ben Tulfo dahil wala siyang kasingtapang)
- Nagbabasa ka ng Toro at Tiktik. (24 Manyakis Points)
- Idol mo si Miley Cyrus. (6 Aba Teka Points)
- Madalas kang mag pulbo. (2 Pogi Points)
- Badass type. (9 Pogi Points)
- Boy-Next-Door type. (6 Pogi Points, 5 Aba Teka Points)
- Basagulero. (3 Pogi Points, 2 Pogi Points sa mga tanod, -6 Pogi Points kay inay)
- Meron kang Jonas Brothers sa MP3 player mo. (2 Pogi Points, 2 kaltok galing sa Metallica)
- Wala kang alam sa rakenrol. (-7 Pogi Points, 3 tadyak galing sa tatay mong hardcore)
- Emo. (1 Pogi Point, 5 Aba Teka Points, 2 tadyak galing sa tatay mong hardcore)
- Marunong kang mag French. (9 Pogi Points, 5 Aba Teka Points)
- Ikaw ang nagbabayad ng bill sa date. (8 Pogi Points, 1.5 Manyakis Points)
- Nagparebond ka. (2 Pogi Points)
- Hindi ka marunong mag-basketball. (3 Pogi Points, exempted ang may mga blogsite)
* will be updated.
Bulalas ni Dan Yamat at 10:26 PM 0 comments
Thursday, August 13, 2009
corny
Ang corny ng buhay pag laging nasa bahay.
Pero mas corny ang kangkong na walang tangkay.
Ang corny ng maputing babae na may maitim na siko.
Pero mas corny ang Dolphy na walang Panchito.
Ang corny ng Kare Kare pag konti ang bagoong.
Pero mas corny ang Math dahil ang hihirap ng tanong.
Ang corny ng uwian at malakas ang ulan.
Pero mas corny tsinelas pag madulas ang daan.
Ang corny ng wowowee pag tanghali everyday.
Pero mas corny ang tanghali pag wala nang TVJ.
Ang corny pag kamote ang nasa nilagang baboy.
Pero mas corny ang french fries pag nasa bahay si Beloy.
Ang corny ng ube dahil ito ay violet.
Pero mas corny ang pera na hindi nasa seiko wallet.
Ang corny ni kuhol at ang kanyang malaking nguso.
Pero mas corny si Maui Taylor dahil malaki ang kanyang... uhm... paa.
Ang corny ng bakery pag ubos na ang smart load.
Pero mas corny ang akinse dahil late nanaman ang sahod.
Ang corny ng mayayabang at mga asshole na pulis.
Pero mas corny ang Metro Aid na hindi na nagwawalis.
Ang corny ng pelikula pag hindi si Jestoni ang bida.
Pero mas corny si Kris dahil, wala lang, corny lang talaga siya.
Ang corny dahil wala nang patintero at tumbang preso.
Pero mas corny dahil wala na ang mga ice cream na presto.
Ang corny ng PS3 dahil walang pang pirata na bala.
Pero mas corny ang tapes ng Family Computer na hihipan mo muna.
Ang corny ng Buddy and Sol na biglang nawala.
Pero mas corny si Eric Quizon na isang dalaginding pala.
Ang corny ng sinigang pag wala kang patis.
Pero mas corny ang champorado na nasobrahan sa tamis.
Ang corny nang tinigil ang pagimprenta ng Funny Komiks.
Pero mas corny ang mga taong nilalagay sa ilong ang Vick's
Ang corny ng tambalan nila Marvin at Jolens.
Pero mas corny ako sa kanila dahil wala nanaman akong sense.
Bulalas ni Dan Yamat at 9:48 PM 0 comments
Tuesday, August 11, 2009
Overdose
Naparami ako ng kape ngayon.
Kaso hindi ko maiiwasan dahil mabilis akong antukin.
Ngunit ayokong manginig.
Pero kahit na. Makapag kape nga.
Alas sais ng hapon na.
Limang oras pa bago ako umuwi.
Meron bang bagong mangyayari pag dating ko sa bahay?
Malamang wala.
Wala akong ibang naririnig kundi ang huni ng erkon.
Napakatahimik ng mundo, minsan.
Ano bang mas gusto ko?
Payapa o maingay?
Naalala ko ang manunulat na si Benjamin Pascual.
Kaya ba ganito ako magsulat?
Gaya gaya ka.
Sino? Ako?
Sino ka?
Dalawang tanong yun, "Sino?" at "Ako?".
Ah..
Umingay ang huni ng erkon.
Kaso mas nakakabingi pag pinatay ito.
At mas mainit.
Dapat sanay ako sa init, dahil mainit sa Pilipinas.
Pero mas mainit sa sawdi.
Pero malamig daw pag gabi.
Dapat masanay sila sa init at lamig.
Mahirap yun ah.
Sanay sila, nakakapag suot sila ng makapal sa arawan,
Siguro nga.
Naiinitan ang paa ko.
Ayokong nagsasapatos.
Pero bakit ako nagsapatos?
Dahil gusto kong maiba naman.
LQ ang paa ko at tsinelas ko.
Pero sana bati na sila bukas.
Babalik nanaman ako sa pagiging indio.
Laging naka tsinelas.
Teka, pinaglaban ng Katipunan ang mga indio.
Kaya dapat akong magsapatos.
Para hindi mabaliwala ang pinaglaban nila.
Dapat magising ako ng maaga bukas.
Para mapanood ko ang Bitag.
Yari silang lahat kay Tulfo.
Yari talaga.
Magaling si Tulfo mag English, may accent.
Tsaka matapang.
Dapat magkaron siya ng sariling komiks.
Ako nalang ang gagawa ng komiks niya.
Tutal marunong ako mag drowing kahit konti.
Siguro gagayahin ko si The Punisher.
Vigilante.
Gaya gaya ka.
Sino? Ako?
Sino ka?
Naparami nga ako ng kape ngayon.
Bulalas ni Dan Yamat at 7:46 PM 0 comments
Sunday, July 19, 2009
ang aking sabado
Hindi masaya
Pero mabangis
Hindi maaraw
Pero mainit
Hindi maliwanag
Pero nakakasilaw
Hindi tuyo
Pero magasgas
Hindi mura
Pero epektibo
Hindi magaan
Pero matulin
Hindi tahimik
Pero mapayapa
Hindi mahaba
Pero matagal
Hindi malamok
Pero makate
Hindi makulay
Pero kaaya aya
Hindi nakakatawa
Pero nakakangiti
Hindi masarap
Pero nakakabusog
Hindi makabuluhan
Pero importante
-ito ang aking sabado.
Bulalas ni Dan Yamat at 2:32 AM 0 comments
Friday, July 17, 2009
keyepsi
Bagyo nanaman..
Sarap matulog kanina, buti walang pasok si Kichian, nakatulog ako ng medyo mahaba haba kanina. Pero don't get me wrong, gusto kong sinusundo yung pamangkin ko. Kaso sadyang masarap matulog ng mahaba pag malakas ang ulan.
Kaso..
Badtrip nga lang dahil nagising ako sa mga nagiinuman na mga kabataan sa labas ng bahay namin, dahil nacancel ang ulan, naisipan ng pinsan ko na bitbitin sa amin ang kanyang mga kaklase para sa isang maagang inuman.. Masarap uminom pag umuulan, pero hindi ko gusto umiinom ng umaga, hindeng hinde. Isa pa hindi talaga ako mahilig uminom, pag natripan lang sige pero hindi hinahanap ng katawan ko, buti nga iba ako sa mga kamag-anak ko na umiikot ang mundo sa alkohol.
Pasok na..
Habang naglalakad ako sa may Guadalupe tulay meron akong nakitang ginagawang straktura. Ang lugar nito ay ang dating ukay-ukayan na lagi kong pinamimilihan kaya masama sa loob ko na tanggalin ito at palitan ng bagong establishment.
Ngunit..
Namalayan ko na korteng Fast Food restaurant ang nasabing straktura. Ako ay nacurious, at unti-unti ko itong nilapitan. Tatlong letra ang nagpahinto sa aking hininga, habang papalapit ako, nakita ko ang unang letra... K.... Palapit ng palapit... F... Nanlaki ang aking mata... C... Paking shet! Magkakaron na ng KFC sa tulay! Nagmadaling dumaloy ang dugo sa aking buong katawan! Matagal ko nang pangarap na maging abot kamay ang KFC at ngayon ay unti-unti na itong natutupad. Napahinto ako at parang baliw ay napangiti mag-isa. Mga munting kasiyahan sa buhay na hindi mapapalitan ng pera. Isa ito dun.
Byernes..
Kailangan kong magdownload ng mga pelikula at episodes ng Mythbusters ngayon dahil matagal na akong hindi nakakapag movie marathon. Kung bibilangin ko, malamang ay mahigit 300 movies na ang napanood simula nung January. Kung hindi ka naniniwala, tanungin mo ang mga kasama ko sa bahay o kaya ay si DJ. Huling araw din ng pasok at bukas ay off na. Sana wag mang kill joy ang ulan..
Teka, tinatawag ako ng bisyo. Babalik ako mamya..
Bulalas ni Dan Yamat at 2:47 PM 0 comments
Monday, July 13, 2009
Maam Present
Sorry kung medyo nawala ako ah. Hindi naman sa madaming nangyari, sa totoo nyan konti lang, kaso minsan hindi maiiwasan ng isang tao na mawala sa sirkulasyon.
Anyway, let's have an update..
Patay na si Michael Jackson at isa ako sa mga taong naka aapreciate talaga sa kanya pagkatapos niyang pumanaw. Hindi ko kasi generation si MJ, musmos palang kasi ako nung mga Bad chaka Smooth Criminal. Pero may malay na ako nung album na Dangerous, meron kasi nun si Uncle Biboy, sobrang fascinated pa ako dahil cd yung copy nya, pwede mong iprogram kung ano lang yung gusto mong track. Black or White chaka Remember The Time yung sobrang gusto kong kanta sa album na yun. Itong album lang na to talaga ang nagmulat sa akin sa totoong talento ni Jacko. Ang galing nga eh kasi nung bata ako, hindi ko namamalayan yung evolution ng mukha nya, hindi ko din napansin yung lungkot ng buhay nya at lalong hindi ko napansin na napaka weirdo nya, ang alam ko lang ay magaling siyang kumanta at sumayaw, nagsiswimming daw siya sa Dead Sea at kaya nyang tumayo ng pa-diagonal. Parang superhero si MJ dati. Teka, namiss ko yung ganung pakiramdam, nung akala ko ay may superhero talaga, parang si Hulk Hogan. Badtrip nung nalaman ko na scripted and WWF at patented na trick lang pala yung Anti-Gravity na lean. Bukod sa You Are Not Alone, wala na akong ibang kabisado na kanta ni MJ. Kahapon buong araw yung tribute ng MTV kay MJ, dun ko nakita ang totoong talent nya, no doubt na siya talaga ang hari.
Sayang si Micheal Jackson kaso ganun talaga ang buhay. Malamang ngayon ay nagmu-moonwalk na yun sa langit.
May nakita ako sa TV na Biometrics daw na voting machine. Siyempre sangkatutak ng pera nanaman ang gagamitin para mas mapadali ang pandudugas nila. Sabi ko nung una kong makita yun, malamang ay pumalpak yung mga machines na yun, awa ni batman tama ako. Testing palang nung isang machine, umusok na at nasunog, testing palang yun, under supervision pa ng mga technicians, palpak padin, pano kung isang hindi pamilyar na tao ang mamamahala nun sa mga prisinto sa mga eskwelahan? Kaawaan nawa.
Kapitan Sino. Ito ang bagong libro ni Bob Ong. Bumili ako pero hindi ko pa nababasa, wala pang oras. Isa nanamang nobela kagaya ng MacArthur. Magpopost ako ng review pag nabasa ko na. Sana maganda.
Walang nangyari sa Hayden Kho at Katrina Halili scandal, walang nakulong. Sabi ko sayo eh.
Pero merong bagong album yung lalaking Calayan. Gusto nyang ipakita sa atin na meron siyang talent sa pagkanta, at gusto ko naman ipakita sa kanya ang gitnang daliri ko.
Sisimulan ko na uling magdaldal.
Bulalas ni Dan Yamat at 3:20 PM 0 comments