Thursday, May 28, 2009

Sino Si Veni?

Madalas kong binabanggit ang pangalang Veni/ Venny sa aking mga blogs, pero sino nga ba si Veni?

Nung bata ako ay medyo abnoy ako. Madaming pumapasok sa isip ko na kung ano-ano, malawak ang imagination namin ni Loki, yung kuya ko. First time kong gumawa ng sariling komiks nung nasa 2nd grade elementary ako. Masyado kasi kaming lulong ng mga kapatid ko sa TV at Betamax kaya kung ano ano ang pumapasok sa mga munting utak na nasa loob ng aming ulo.

Dito nagsimula ang imaginary kong friend na si "Veni". Uunahan na kita, hindi siya totoong tao. Kathang isip lang siya na produkto ng imahinasyon ko nung bata ako.

Sadya kasing hindi ako mahilig sa mga pisikal na activities kaya madalas ay nasa bahay lang ako noon. So bale na-compile sa isip ko lahat ng pinakapangit na character sa tv kagaya ni Slimer, Mr. Bogus, Alf, Kuhol, Dyords Javier at kung sino sino pa at ginawa ko silang isang character, ang kinalabasan nito ay ang pinakamasagwang elemento sa balat ng earth, at pinangalanan ko itong "Veni". Bakit ko ito ginawa? Dahil sina He-Man, Ghostbuster, Joey De Leon, Vic Sotto at iba pang bida ay laging may sidekick, kaltukan at comic relief sa minsan ay napakaseryosong buhay nila. Syempre kailangan ko din yun noon. Kahit hanggang ngayon.

Dumating na din sa punto na akala ng iba ay totoo tao si Veni. Dahil nga para sa akin ay totoong tao siya, maski ang mga kapatid ko ay kakilala si Veni. Diba napaka astig? Kung murahin man ako ni Veni, alam ko na hindi ito seryoso. Kung magalit man si Veni, ako din ang magdedesisyon kung kelan kami magbabati, kung tablahin ako ni Veni, ako ang magsasabi kung kelan kami magpapansinan. Wala siyang pakialam kung may pera ako o wala. Basta kung kelan ko siya kailangan, magiimagine lang ako ng masagwang mukha at dadating na siya. Kahit alam ko na hindi ako perpekto at sangdamukal na katangahan at kamalian ang nagagawa ko sa buhay ko, alam ko na may mas engot at mas palpak sa akin, alam ko na may kilala ako na mas angat ako. Simple lang pero nakakataas ng confidence sa sarili diba? Isang produkto man siya ng imahinasyon para sa ibang tao, totoo siya para sa akin.

Kaya naman madalas ay nababanggit ko sa blog ko ang pangalang ito, dahil minsan sa kaseryosohan ng buhay hindi mo maiwasan ang may pagbalingan. Makikita mo sa gilid ng blogsite ko ay merong message box, makikita mo rin sa message box na sumasagot parin si Veni sa mga mensahe ko. Isa lang itong katibayan na andiyan padin ang masagwa kong kaibigan na si Veni. The best imaginary friend anybody could ever have.

Siguro kailangan mo din ang isang "Veni".

Monday, May 25, 2009

Ang Totoong Astig

Astig ka ba? Pangarap mo bang maging astig? Mas astig ba sayo ang lolo mo? o ang lolo ko?
Kung akala mo ikaw ay astig, pakyu ka! Joke lang. Pero ito ang batayan ng tunay na astig..

Astig ka kung hindi ka naiingayan sa Heavy Metal.
Astig ka kung kaya mong ibalik sa dati ang barbed wire.
Astig ka kung kaya mong ngumiti habang kumakain ng kamias.
Astig ka kung kaya mong sumipol habang ngumunguya ng pulburon.
Astig ka kung nagsusuot ka ng butas butas na pantalon.
Astig ka kung meron kang brief na gawa sa katsa.
Astig ka kung kaya mong ngumuya ng bubog.
Astig ka kung mas malaki pa sa aso mo ang muscle mo sa braso.
Astig ka kung kaya mong mag macarena ng naka posas.
Astig ka kung mahigit ten thousand ang contacts mo sa friendster.
Astig ka kung hindi ka naggugupit ng kuko.
Astig ka kung ang barangay captain mo ang tiga gupit mo ng kuko.
Astig ka kung hindi mo ginagamitan ng hot water ang cup noodles.
Astig ka kung hindi ka naiiyak sa Wish Ko Lang.
Astig ka kung may hikaw ka sa lalamunan.
Astig ka kung may tattoo ka ni Mr. Bogus.
Astig ka kung kaya mong sumabit sa LRT.
Astig ka kung nagkakasore eyes ang mga tinititigan mo.
Astig ka kung kaya mo ang hundred lives sa Mario 3 (kaya ko yun! Astig ako!).
Astig ka kung kaya mong kalikutin ang iyong lalamunan ng hindi nasusuka.
Astig ka kung kaya mong mangholdap at gawing textmate ang hinoldap mo.
Astig ka kung pangalan mo ay Jestoni Alarcon.

Astig ka kung hindi ka natatawa kay Mr. Bean.
Astig ka kung kaya mong patigilin ang umiiyak na sanggol sa pamamagitan ng titig.
Astig ka kung hindi ka pwedeng mamatay sa maling akala.
Astig ka kung kaya mong kumain ng sangkatutak na pansit ng walang tubig.
Astig ka kung ginagawa mo lang post-its ang isang libo.
Astig ka kung kaya mong tanggalin ang virus ng computer sa pamamagitan ng sigaw.
Astig ka kung hindi ka natitinga sa mais.
Astig ka kung hindi mo nilalagay ang Pritos Rings sa daliri mo.
Astig ka kung kaya mong manalo sa eleksiyon ng hindi nandudugas.
Astig ka kung kaya mong kumain ng isang piraso lang ng m&m's.
Astig ka kung kaya mong idribol ang bowling ball.
Astig ka kung takot sayo ang tatay mo.
Astig ka kung takot sayo ang tatay ng syota mo.
Astig ka kung
takot sayo ang aso mo.
Astig ka kung kaya mong ipalo ang aso mo sa tatay ng syota mo.
Astig ka kung kumakain ka ng sardinas na hindi luto.
Astig ka kung kumakain ka ng corned beef na hindi luto.
Astig ka kung kumakain ka ng maling na hindi luto.
Astig ka kung kumakain ka ng sinigang na hindi luto.
Astig ka kung hindi ka madalas maligo.
Astig ka kung hindi ka madalas magsipilyo.
Astig ka kung hindi ka nagsusuklay.
Astig ka kung madami kang syota kahit hindi ka madalas maligo, magsipilyo at magsuklay.

Ang tanong.. Astig ka ba?

Thursday, May 21, 2009

Thirstday

Wala akong maisip nitong mga nakaraan. Wala talaga. Pero parang umakyat ng konti yung dugo ko sa utak ko kaya magdadaldal muna ako.

Hindi ko maintindihan pero parang lagi akong uhaw lately, maski gatorade walang magawa. Dapat lagi akong meron dalang malaming na beverage. Kaso masakit sa tiyan pag masyado ka nang madaming nainom. Baka alak? Hindi naman siguro, sanay naman ako na hindi madalas uminom eh. Kailangan ko ang tulong ni Gus Abelgas at ang kakayanan nyang mantuklas ng bagay bagay na hindi maipaliwanag.

Weekend nagswimming kame ni Dj, ang astig kasi nung morning nung araw na yun nagtext si Peejay, gusto nilang sumama ni Hazel sa amin. Walang plano plano, umalis kami at nagswimming ng overnight sa compound ng Splash Mountain sa Pansol Laguna. Ang galing nga eh, medyo malaki nga lang yung nagastos namin pero ok lang.

Can't wait until sabado, yun kasi yung pilot episode ng local na Who Wants to be a Millionaire. Pano ba naman ako hindi maeexcite, eh si Vic Sotto ang host. Mula kasi nung bata ako hanggang ngayon big fan ako ng TVJ. Tapos sabado pa, walang pasok, galing galing.

Napanood ko nung sunday yung Angels and Demons, mejo disappointed ako kasi wala yung 5th sign ng Illuminati, yung Illuminati diamond. Fire, Air, Water chaka Earth na ambigram. Instead pinalit nila yung dalawang susi na sign ng pope. Pero yung movie maganda, hindi nga lang siya ganun ka faithful sa libro.
Wala na ako maisip kainin pag dinner, lagi nalang tinapay. Ayoko naman magkanin. Search muna ako ng pwedeng kainin na madali lang iprepare. Maya maya na ako magtatalak uli. Magandang araw.

Thursday, May 14, 2009

Chuck Norris Facts

Sa panahon ngayon, kailangan na ng mundo ng isang tagapagligtas at tagapagtanggol. Kaso minsan hindi available si Batman kaya dapat ay meron tayong alternative na savior.

This is a list of facts from the strongest, mightiest, and gnarliest person in the world, probably even the universe. He is our one last hope for survival. Mortals behold, Chuck Norris facts.


1. If you have five dollars and Chuck Norris has five dollars, Chuck Norris has more money than you.
2. There is no 'ctrl' button on Chuck Norris's computer. Chuck Norris is always in control.

3. Apple pays Chuck Norris 99 cents every time he listens to a song.


4. Chuck Norris can sneeze with his eyes open.


5. Chuck Norris can eat just one Lay's potato chip.

6. Chuck Norris is suing Myspace for taking the name of what he calls every
thing around you.

7. Chuck Norris destroyed the periodic table, because he only recognizes the element of surprise.

8. Chuck Norris can kill two stones with one bird.

9. Chuck Norris can lead a horse to water AND make it drink.

10. Chuck Norris doesn’t wear a watch, HE decides what time it is.

11. Chuck Norris can slam a revolving door.

12. Chuck Norris does not get frostbite. Chuck Norris bites frost

13. Remember the Soviet Union? They decided to quit after watching a DeltaForce marathon on Satellite TV.
14. Contrary to popular belief, America is not a democracy, it is a Chucktatorship.

Tuesday, May 12, 2009

Mga Bagay na Nagpapadali sa Buhay ko

Wala ako maisip na isulat nitong mga nakaraan, hindi ko alam kng bakit. Pero dahil wala akong ginagawa ngayon, nagmuni muni ako. Sa dinami dami ng mga elemento na nagpapahirap sa aking napaka simpleng buhay, hindi ko na-aapreciate ang mga nagpapadali sa aking araw araw. Mga iniisnab ko lang pero hindi ko napapansin ay napakalaki pala ng ambag sa aking pamumuhay. Alay ko ang post na ito sa mga yun. Ito ang...


Mga Bagay na Nagpapadali sa Buhay Ko



Oven Toaster -
Dahil wala na akong oras magluto pag gabi at dahil nga tamad ako kahit meron
man akong oras, isa lang ang inaasahan ko sa pagtutusta ng aking mga paboritong processed meat na hinding hindi mawawala sa aking hapunan. Ang hotdog at ham ay hindi maluluto sa pamamagitan lamang ng titig, pero dahil atat na atat akong manood ng dvd pag uwi ko gabi gabi, hindi ko na option ang pagbukas ng kalan at pag buhos ng mantika. Sa pamamagitan ng aking trusted na Oven Toaster, kaya kong manood habang nagluluto ng hotdog at ham, at magtoast ng tinapay. Kailangan ko lang gawin ay buksan ang pinto ng Oven Toaster, itambak ang mga lulutuin, pihitin ang knob, isara ang pinto, manood ng dvd, at hintayin ang makapigil hiningang ting! at jerengg! Handa na ang aking hapunan, mantika-free pa! Now that's what you call efficient!

Electric Tape - Sa buhay hindi maiiwasan ang sakuna, delubyo, giyera, suklam, ganid, poot,
hinagpis, at sirang charger. Dahil sa hindi mapaliwanag na dahilan ay nasisira ang wire ng aking charger, natutuo akong kumilos at gumawa na paraan. Imbis na maglustay ako ng salapi sa mga original o class A na charger, mas minabuti ko nalang na kunin ang nail cutter at ang aking mabangis at madikit na electric tape. At hindi lamang yan, kung minsan ay malupit ang tadhana at pati ang audio/video jack ng dvd player ay nasisira, isa lang ang aking aasahan. Ngunit hindi lamang jan natatapos ang tulong na kayang ibigay ng electric tape, pwede din itong gamitin upang sarahan ang butas sa sirang backpack, idikit ang April Boy Regino poster sa pader, bawasan ang balahibo ni muning at takpan ang mabahong bibig ni Veni.

Escalator - Ito ang tanong ko sa'yo, papano kung sa iyong pamimili, napansin mo na ang medyas ay nasa 1st floor at ang brief ay nasa 4th floor? Ang kaso, kakabili mo lamang ng walong kilong buko. Ano ang gagawin mo? Siyempre isa lang, pupuntahan mo ang ating kaibigan, ang robot na hagdan, ang Escalator.
Hindi katulad ng hagdan na nastroke, at hindi katulad ng elevator na napupuno, makikisama ito kung ikaw ay nagmamadali o tinatamad, wala nang pindot pindot, makakarating at makakarating ka sa pupuntahan mo. Ang kagandahan pa nito, may mga mall na merong upuan sa ilalim ng escalator, so pwede ka pang tumambay dito pag pagod ka na. Subukan mong tumambay sa ilalim ng elevator. Kung ikaw man ay abutin ng closing sa pamimili, andiyan parin ang escalator, naghihintay na gamitin mo, hindi na nga lang umaandar, pero ang elevator napakasuplado pag naka off. Salamat escalator, mas useful ka pa kay Robocop!

Dan: Badtrip pare na late ako ng 30 minutes, bigla kasing huminto yung elevator eh, na stock ako.
Veni: Ako rin pare badtrip, late ako ng 2 oras, bigla kasing huminto yung escalator, na stock din ako.

Bendable Straw - Nung unang panahon, ang katapat ng uhaw mo ay isang mahabang plastic bag, isang mahabang straw, at isang bote ng coke. Pero kung minsan, hindi mo na kailangan ng straw, kailangan mo lang ng isang magandang buhol sa plastic, at matalim na ngipin na pambutas sa ibabang kanto ng plastic. Pero dahil nagbago na ang panahon, ang mahabang plastic ay naging matigas na plastic cup at isang matigas at masarap kagatin na straw. Minsan ay nadadala tayo ng sobrang uhaw, nakakalimutan natin na wala palang takip ang plastic cup, dahilan ito para bumuhos ang laman nito sa iyong damit kasabay ng malutong na mura, halakhak mula sa isang abnoy na kaibigan at ginaw na tanging yelo lamang ang makakapagbigay. Dahil dito, isang rocket scientist sa Harvard ang nag-imbento ng sagot sa nasabing problema, ang Bendable Straw. Ngayon ay hindi mo na kailangan pang mag mukhang tanga sa harap ng iyong mga kaibigan, ang kailangan mo lang gawin ay iyuko papalapit sa iyong bibig ang ibabaw na parte na straw at presto, no spill! Pero siyempre mas mabuti na kung merong takip yung plastic cup. Kung medyo praning ka naman, andiyan ang schizophrenic na kapatid ng Bendable Straw, ang Crazy Straw


Cinema Snack Tray - Naalala ko nung 2nd year highschool, tinamad ako pumasok, at pag ganun ang aking nararamdaman, isa lamang ang aking pinupuntahan, ang walang kamatayang Robinson's Galleria. So pag dating ko dun, agad akong pumunta sa sinehan para makita ko ang listahan ng mga now showing na palabas. Aba! Showing na pala ang Small Soldiers. Sa sobra atat, naisip ko na doon nalang ako kakain sa loob ng sinehan, so bumili ako ng Zinger meal sa KFC, siyempre Up-Sized lahat, at isang sakong ketchup. So sobrang enjoy ako sa panonood ng mga Action Figure na nagrarambulan habang nilalantakan ko ang burger at fries. Napakasaya ko ng lumabas ako ng sinehan dahil solb na ang mata ko, solb pa sikmura ko. Ngunit, habang naglalakad ako ay tinititigan ako ng mga nakakasalubong ko, nasip ko lamang ay WTF?! Dali-dali akong pumunta sa pinakamalapit na CR at pag harap ko sa salamin, OMG! Daig ko pa ang nakipag away kay Freddy Krueger sa dami ng dugo sa aking puting puting uniform. Siyempre hindi dugo kundi ang kalahati ng isang sakong ketchup na binitbit ko sa loob ng sinehan ang ngayon ay nakakalat sa damit ko.
Kaya laking pasalamat ko sa kung sino man ang nakaisip ng Cinema Snack Tray na ito, dahil sayo kaya ko ng bitbitin ang fries, burger, softdrinks at popcorn sa pamamagitan ng isang kamay. Kung pwede nga lang bitbitin ito pag namamasyal ako sa mall ay gagawin ko. Maraming maraming salamat kung sino ka man. *sob

Safety Pins / Pardible - Alam ng mga kapatid ko kung gaano ako kadependent sa pardible dahil ito ang inaasahan ko para makamit ko ang inaasahan kong tupi sa aking pantalon. Hindi lamang yan, kapag nasisira ang aking zipper, tanging pardible lamang ang maglalakas loob na humawak at siguraduhing hindi mahuhulog ang aking pantalon.

Bukod dito, gamit din ang pardible ng mga kabataang walang pambili ng hikaw, pangsabit sa mga "kontra-usogs" para sa mga munting sanggol, proteksiyon ng mga matatanda sa mga magnanakaw o pagkahulog ng coin purse, pangsikip ng mga maluluwag na skirts, pangdisplay ng chichirya at shampoo ng mga tindera, pangsecure ng lampin, pangsara ng sirang bag, pangtusok sa kaibigang lasing at natutulog, at marami pang "pang".

Naalala ko dati nung namasyal kami nila Veni sa Glorietta. Hiniram nya ang aking bag dahil nakalagay dun ang aking Hi-Tech Discman. Nang nangailangan gumamit si Veni ng payphone, binitbit nya ang aking bag. Pagtapos ng ilang minuto, bumalik siya ngunit ang hindi niya napansin, mero nang mahabang punit ang aking bag na malamang ay gawa ng isang kutsilyo o kung ano mang matalim na bagay, meron palang nagtangkang magnakaw ng aking Hi-Tech Discman, buti nalang hindi nakuwa yung Hi-Tech Discman ko kundi ay binigti ko si Veni dahil nga Hi-Tech yun. Dahil naastigan ako sa hiwa ng bag ko, hindi ko na naisipan pang itapon ito, sa halip ay bumili akong ng isang katutak na malalaking pardible, kinabit ang mga ito sa hiwa
ng aking bag at presto! Instant design! Akala ng mga classmate ko nung college ay sadyang ganun ang aking bag, ngunit sinabi ko ay hindi. Tinanong nila ako bakit nagkaganun yung bag ko, ang sabi ko kasi pinanganak si Veni.

Maski ako ay madalas matusok, hinding hindi ko kakalimutan ang tulong na ibinigay sa akin ng aking mabangis na kaibigan, ang pardible! Kailangan kita pardible, ngunit mas kailangan ka nitong gunggong na to.




At dahil madami pa akong nakakalimutan, hindi dito natatapos ang aking pagpapasalamat sa mga unspoken hero na matatagpuan natin sa kung saan saan, kahit sa ilalim ng aking sirang zipper.

Friday, May 8, 2009

Astig

Astig...


Wednesday, May 6, 2009

Beautiful

I would just like to share this with you guys.

This is Kim Aldover, she is a candidate for the title of Miss World Australia 2009 and I'm proud to say that she is my first cousin. Pretty cool right?!

And not just that, she recently made her own campaign called "Beauty with a Purpose" which aims to raise funds and create awareness to such important matters as Breast Cancer Research, the crisis in Sri Lanka and I'm pretty sure a lot more.

I'm more than proud to say that not only is she my cousin, but she is a fellow Filipino who is trying to make a difference and she defines beautiful in every sense of the word.

P.S. - It runs in the blood... Alright alright.. I'll shut up.

Unlucky Me

Bakit ba ang daming nagpapahirap sa dapat ay napakadali kong buhay? Kung ako ang masusunod, gusto kong magpunta sa isang napakalayong lugar, sa isang bansa na tahimik at walang istorbo. Pero wala akong pera pangeroplano, mahirap kumuwa ng visa, problema pa ang lodging chaka ang pagkain at mga gagamitin ko sa araw-araw, isa pa siguradong walang sinigang na baboy dun, hindi pa naman ako marunong magluto. Tapos papano kung show money pag nagapply ka sa embassy, patay ako dun, ano papakita ko? Yung wallet ko? Pa'no pag hindi pala nakakaintindi ng english yung bansang yun, kukuwa pa ako ng translator or mag-eenroll sa isang language academy? Tapos papano kung walang Pinoy store dun, pano ako makakain na mas pinalaki at pinasarap na Lucky Me instant pancit canton?..

Kaya hahawakan ko nalang ang tsinelas ko, ipangsasampal ko sa susunod na magpapahirap ng dapat ay napakadali kong buhay.

Monday, May 4, 2009

Pac'd up

Lahat ng nagsabi na matatalo so Pacman taas ang kamay!

Mga engot.

Katulad ng nakita ng buong mundo, binugbog ng pinong pino ni Manny si Hitman kahapon sa isa sa pinakamalakas na suntok na ibinigay ni Manny sa buong buhay nya. Isa sa mga nakaraang blog ko sinabi ko na kahit alam kong kukulatain ni Pacman si Hatton, hindi na ako masyadong maapektuhan kung sino ang mananalo.

Pero, nagkamali ako.

Kasi nung gabi bago ang laban, napanood ko yung "Pacquiao/Hatton 24/7" special sa channel 7, documentary type sya tungkol sa paghahanda ng dalawang magkalaban. Dun ko nalaman na trainer pala ni Hatton si Floyd Mayweather, ang ama ng dating Pound for Pound king na si Floyd Mayweather Jr. Pinakita sa palabas na ito kung gaano ka baba ang tingin ng dalawa kila Pacman at Freddie Roach.

Nung mismong laban na, nakita natin kung gano kadaming brits ang nagingay at sumuporta sa kanilang Hitman, alam ko na sa sarili ko na mapapahiya ang mga mokong, at hindi ako nagkamali.

So naisip ko na ano man ang mangyari, Pilipinas padin ang represented ni Pacman.

Sana next na si Floyd Mayweather Jr., Yung ang magandang laban, at siyempre Pacman padin ako..

You know.

Friday, May 1, 2009

Her Morning Elegance

Just wanna share this with you guys, great Stop Motion Animation and really nice song.

 
Blogger design by suckmylolly.com