Madalas kong binabanggit ang pangalang Veni/ Venny sa aking mga blogs, pero sino nga ba si Veni?
Nung bata ako ay medyo abnoy ako. Madaming pumapasok sa isip ko na kung ano-ano, malawak ang imagination namin ni Loki, yung kuya ko. First time kong gumawa ng sariling komiks nung nasa 2nd grade elementary ako. Masyado kasi kaming lulong ng mga kapatid ko sa TV at Betamax kaya kung ano ano ang pumapasok sa mga munting utak na nasa loob ng aming ulo.
Dito nagsimula ang imaginary kong friend na si "Veni". Uunahan na kita, hindi siya totoong tao. Kathang isip lang siya na produkto ng imahinasyon ko nung bata ako.
Sadya kasing hindi ako mahilig sa mga pisikal na activities kaya madalas ay nasa bahay lang ako noon. So bale na-compile sa isip ko lahat ng pinakapangit na character sa tv kagaya ni Slimer, Mr. Bogus, Alf, Kuhol, Dyords Javier at kung sino sino pa at ginawa ko silang isang character, ang kinalabasan nito ay ang pinakamasagwang elemento sa balat ng earth, at pinangalanan ko itong "Veni". Bakit ko ito ginawa? Dahil sina He-Man, Ghostbuster, Joey De Leon, Vic Sotto at iba pang bida ay laging may sidekick, kaltukan at comic relief sa minsan ay napakaseryosong buhay nila. Syempre kailangan ko din yun noon. Kahit hanggang ngayon.
Dumating na din sa punto na akala ng iba ay totoo tao si Veni. Dahil nga para sa akin ay totoong tao siya, maski ang mga kapatid ko ay kakilala si Veni. Diba napaka astig? Kung murahin man ako ni Veni, alam ko na hindi ito seryoso. Kung magalit man si Veni, ako din ang magdedesisyon kung kelan kami magbabati, kung tablahin ako ni Veni, ako ang magsasabi kung kelan kami magpapansinan. Wala siyang pakialam kung may pera ako o wala. Basta kung kelan ko siya kailangan, magiimagine lang ako ng masagwang mukha at dadating na siya. Kahit alam ko na hindi ako perpekto at sangdamukal na katangahan at kamalian ang nagagawa ko sa buhay ko, alam ko na may mas engot at mas palpak sa akin, alam ko na may kilala ako na mas angat ako. Simple lang pero nakakataas ng confidence sa sarili diba? Isang produkto man siya ng imahinasyon para sa ibang tao, totoo siya para sa akin.
Kaya naman madalas ay nababanggit ko sa blog ko ang pangalang ito, dahil minsan sa kaseryosohan ng buhay hindi mo maiwasan ang may pagbalingan. Makikita mo sa gilid ng blogsite ko ay merong message box, makikita mo rin sa message box na sumasagot parin si Veni sa mga mensahe ko. Isa lang itong katibayan na andiyan padin ang masagwa kong kaibigan na si Veni. The best imaginary friend anybody could ever have.
Siguro kailangan mo din ang isang "Veni".
Thursday, May 28, 2009
Sino Si Veni?
Bulalas ni Dan Yamat at 8:56 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment