Bumalik tayo sa panahon nung mahilig pa tayo sa sweet corn snacks, alpombra at champurado.
Sigurado akong mapapangiti kita ngayon. Ito ang listahan ng mga hindi natin malilimutang themes mula sa mga paborito nating cartoons. Panahon na ang problema mo lang ay assignments. Ahh. Good times.
Do the Mario!
When you powers combine!
Show me a world I haven't saw before.
Who you gotta call??
We're tiny, we're toony!
My friends and I became the secret scouts!
Can you feel the thunder inside?
Warrior without fear!
Knights of the magical light.
Mutants, and aliens, and toads beware!
Real American Heroes!
More than meets the eyes.
At siyempre.. Cowabunga!
Thursday, June 25, 2009
Good Times
Bulalas ni Dan Yamat at 10:15 PM 0 comments
Monday, June 15, 2009
Makapanindig Balahibo
Mahilig ka ba sa horror? Ako kasi hindi.
pero..
Depende pa din sa movie. Ang mga pinipili ko kasi na horror ay yung mga naging classic. Kagaya ng Silence of the Lambs, The Shining, Texas Chainsaw Massacre, Psycho at madami pa. Pinanood ko itong mga ito hindi dahil horror sila kundi dahil curious ako kung bakit sila naging classic.
Lately napagtripan kong manood ng mga bagong horror films, tignan ko kung magbabago ang pananaw ko sa ganitong klase ng mga pelikula. So sinimulan ko sa Blairwitch Project to set the mood. Isa kasi ito sa mga pelikula na nang istorbo sa nanahimik kong mundo. Mas nagimbal ako ngayon kesa nung una ko itong pinanood, hindi ko alam kung bakit. Nung medyo jumpy na ako, saka ko naman pinanood yung Hollywood remake ng The Eye na gawa ng Pang Brothers. Sa kalagitnaan ng pelikula, napahinto ako, natulala, napahinga ng malalim at nasabing "WALANG KWENTA!".
Kumpara sa original, parang kenkoy ang remake, iba kasi ang atmosphere nung original, mas mararamdaman mo ang pagiging creepy ng mga eksena, dahil siguro hindi ko kilala ang artista dun sa original at feeling ko totoo ang mga scenes, unlike nung remake na kapag nakikita ko si Jessica Alba, pumapasok sa isip ko ay bikini at beach. Papano ka matatakot nun. Masyadong pinilit ng remake na gayahin ang creepy scenes ng original. Pinilit. Wala. Embang. So halfway ng movie, hininto ko na..
Siyempre hindi pa ako naggive up sa mga horror, next ko pinanood ay yung Friday the 13th. Nung elementary ako, isa si Jason Voorhees sa mga astig na characters sa movies para sa akin. Nung nalaman ko na gagawa uli sa US ng Friday the 13th, nabadtrip ako, dahil gagawa nanaman sila ng movie based sa isang classic, kagaya nalang ng Jason X. Ginawa nilang robot si Jayson. Nung nalaman ko na origin pala ni Jayson yung gagawin, naisip ko na hindi masama. Pwede. Aba teka..
Oo nga pala, yung Jason X yung unang film na napanood ni DJ sa Friday the 13th series at parang last month nya lang napanood. So na curious sya sa character ni Jayson Voorhees. So dinownload ko yung movie, pinanood namin, at first time ko nakita na nagtago ng mukha si DJ sa takot. Okay sa kanya yung movie, para sa akin, astig din, nagustuhan ko, at ang maganda pa dun, hindi nila ginawang super natural si Jayson, ginawa nilang parang serial killer, kagaya ni LeatherFace. Na redeem ng horror ang sarili niya sa akin. Astig.
So last stop ko sa aking horror flicks escapade, ang movie na nakita ko sa may escalator sa Megamall mga 2 months ago. Medyo na curious ako sa poster hindi dahil sa chick kundi dahil merong aswang na bata, effective kasi sa horror film ang aswang na bata kagaya nlang sa The Grudge chaka The Exorcist. Ang movie na sinasabi ko ay pinamagatang The Unborn. Magkasama kami uli ni DJ nang pinanood ko ito, siya kasi ang aking pang measure kung talagang nakakatakot ang horror movie o hindi. Well, hindi takot, hindi kaba at hindi gimbal ang binigay ng pelikulang ito kundi antok, isang malupit na antok. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari pero inantok talaga ako ng todo, nagising na lang ako ng makita ko na kasama pala sa movie si Gary Oldman. Pero wala padin, inantok pa din ako. At eventually - Zzzzz.
Well, hindi padin tapos ang aking paghahanap ng mga horror movies. Gusto kong matakot ng todo. Kung meron kang suggestions, meron akong message box sa gilid, wag kang mahiya, magtakutan tayo! Bwahahahaha!
Bulalas ni Dan Yamat at 8:39 PM 0 comments
Thursday, June 11, 2009
Death to the Conventional
I'm no machine.
I ain't got no screws and no bolts.
The kid I once was will beat the crap out of the man I am now
and ask "where are you going and why aren't you stopping?"
Detour is up ahead.
The question is: Are you ready to turn?
The world was a playground when I was a child,
somehow through the journey I have forgotten that.
This is the perfect time to stop being Mr. Man.
Soon my world will start spinning.
Death to the conventional, the traditional, and the stereotype.
I have been dead since I was born
but I will live before I die.
Carpe Diem. Make your life extraordinary.
Bulalas ni Dan Yamat at 10:34 PM 0 comments
Wednesday, June 10, 2009
Kichianomics
DANG!
Kalat na talaga ang H1N1 virus, meron na din sa Accenture, eh kapit building namin yun. Nakakatakot. Pati mga big taym na campuses maron na din. Tsk tsk.
Anyway highway..
Nagstart na si Kichian ng school, sinundo ko sya kahapon. Mukha namang nageenjoy siya so ok yun. Nagdrawing daw siya ng heart, apple at strawberry. Nagstart na sa art ang pamangkin ko, sana tuloy tuloy. Since may mga alam nadin naman kami ni Loki, ituturo namin yun kay Kichian pag lumaki laki siya ng konti.
Wow, kung iisipin mo, meron na akong pamangkin na nagaaral. Naalala ko pa nung kinder ako, pinapasayaw kami ng teacher at pinapakanta. Para kaming G.I. Joe na pinagttripan ng teacher at mga kamag-anak nya, pero dahil bata pa kami, super duper enjoy. Actually nanalo pa ata ako na 7th place sa dancing. May trophy pa nga ako eh, tignan mo ngayon, wala akong alam sa pagsasasayaw.
Meron daw martial arts classes si Kichian, hindi ko alam kung ano pero wag naman sana Jujitsu. Baka bugbugin ako ng pamangkin ko pag laki niya.
Nakakatuwa na meron nang kalaro na mga ka age nya si Kichian, kasi wala siya masiyado kaedaran sa bahay chaka sa kanila. Kaya puro video games ang alam gawin.
Wala siya pasok bukas until friday, so sa lunes pa, susunduin ko siya ng maaga-aga para makita ko siya sa loob ng classroom.
Ano nga ba ichura ko nung kinder ako?.. Hmmm.
Bulalas ni Dan Yamat at 9:03 PM 0 comments
Friday, June 5, 2009
Kagalang Galang
Kanina habang ako'y kumakain ng tanghalian at nanonood ng Eat Bulaga, nagulat nalang ako ng makita ko sa "Coke Smile" portion ay kasali ang isa sa mga kaibigan ko.
Ang alam ng mga tao ay filthy rich ang mga Ayala. Well, hindi lahat.
Ang kaibigan kong ito ay si Ryan Ayala. At siya ay sira-ulo.
Long story short, nanalo siya ng 4,000. At dahil natawa ako ng nakita ko siya sa TV, naalala ko kung gaano ka abnoy si Ryan. Dahil diyan ay nag search ako sa YouTube kung merong video na magpapatunay ng aking sinasabi, ito yun. Hindi ko kilala kung sino ang kumuwa nyan pero mabuhay siya..
Kagalang galang.
Bulalas ni Dan Yamat at 8:21 PM 0 comments
Thursday, June 4, 2009
small talks
Veni: Pinagtripan ko yung tindera kanina! Hahaha!
Dan : Hehehe, pano mo pinagtripan?
Veni: Nagpaload ako, wala naman akong cellphone! Hahaha!
Dan : Tangina ka talaga!
Bulalas ni Dan Yamat at 9:46 PM 0 comments
small talks
Veni: Pare, ang tapang pala talaga ni Ralph noh?
Dan: Ows?
Veni: Biruin mong tumalon sa eroplano ng walang parachute.
Dan: Talaga? San mo nabalitaan pare?
Veni: Dun sa burol nya!
Bulalas ni Dan Yamat at 9:37 PM 0 comments
Ano Na Ba?
Ano na?
Medyo nawala ata yung momentum ko sa pagiisip ng mga ibblog. Ayun ba ay dahil walang masyadong nangyayari sa araw araw na buhay ko? Siguro.
Marami na rin akong naisip isulat kaso nagbaback out ako. Siguro dahil masyado nang pinaguusapan itong mga to at ayoko nang makigulo at makidaldal. Example:
Hayden Kho Scandals - Meron nang opinyon lahat tungkol dito, hindi na siya ganun ka espesyal. Tsaka madami nang nakisawsaw, magiging biktima lang ako ng pagpapapansin nila kung gagawa ako ng isang buong post tungkol dito. Ang ending, walang makukulong dahil kulang ang batas natin.
Swine Flu - Hindi ko alam ang sasabihin ko, unang una dahil wala akong ideya dito, pangalawa, dahil mahilig ako sa pork at ayokong maging "anti", pangatlo, uhm.. Wala nang pangatlo, wala nga kasi akong ideya dito. Magingat nalang lahat. Yun lang.
Presidential Elections - Mga power hungry. Yun lang din.
Bulilit Commercial - Hehehe. Cute. Ang sarap lamutakin at gawing palamuti sa bahay.
Aling Dionisia - Madaming nababadtrip kay Mommy D, ako hindi, dahil kahit gaano siya ka-hypocrite, nakakaaliw panoodin na kahit may edad na siya, super party chick pa din siya. Gusto niyang maranasan ang sarap ng maging "gipit-fee". Sino bang hindi?
Hay. Ano na ba?
Bulalas ni Dan Yamat at 8:59 PM 0 comments
Wednesday, June 3, 2009
Si Jollibee ay Asshole!
Jollibee is one funny bug! Sobrang tawa ako ng tawa sa video na to.
Bulalas ni Dan Yamat at 10:49 PM 0 comments
Monday, June 1, 2009
School Supplied
Woah, hardcore na pala ang presyo ng mga bags ngayon.
Kahapon umalis kami ni Kichian para bumili ng bag niya, kasi papasok na siya sa school. Nagpromise pa naman ako sa kanya ng Spongebob na bag, ang problem lang na pull-out na lahat ng stocks sa lahat ng SM. So naghanap kami ng kapalit. Luckily, ang aking pamangkin ay mahilig din sa hot wheels at sa lahat ng bagay na may gulong. So from Spongebob naging Hotwheels yung choice namin. Ang akala ko mga 400-500 ok na, makakabili na ako ng maliit na backpack.
Siyempre, mali ako..
800 pesos! Ganun na pala ang mga bag ngayon?! Hahaha. Samantalang 400 pesos na bag namamahalan na ako. Anyway, dahil nga nagpromise ako, binili na namin yung bag niya. Nagustuhan naman niya kaso sabi nya mas gusto nya daw ang billiard table kesa sa bag.
Dahil nagmana sa aming magkakapatid ang aking pamangkin, napaka hilig nito sa video games. Kahit anong games ok sa kanya. At kaya nya pang mangbeat ng mga ps2 games. Bakit kakaiba? Kasi nangtatapos na siya ng games since mga 2 years ago. Paalala: si Kichian ay 4 years old palang.
June na pala. Tag-ulan na talaga.
Bulalas ni Dan Yamat at 6:25 PM 0 comments
Disclaimer
This is a disclaimer to my previous post. Unfortunately, si Veni ay totoong tao, siya ay dati kong kabanda at bespren at kalokohan lang ang mga pinagsasabi ko sa nakaraang post ko. Hekhek. Gotcha!
Happy Monday.
Bulalas ni Dan Yamat at 2:13 PM 0 comments