Monday, June 15, 2009

Makapanindig Balahibo

Mahilig ka ba sa horror? Ako kasi hindi.

pero..

Depende pa din sa movie. Ang mga pinipili ko kasi na horror ay yung mga naging classic. Kagaya ng Silence of the Lambs, The Shining, Texas Chainsaw Massacre, Psycho at madami pa. Pinanood ko itong mga ito hindi dahil horror sila kundi dahil curious ako kung bakit sila naging classic.

Lately napagtripan kong manood ng mga bagong horror films, tignan ko kung magbabago ang pananaw ko sa ganitong klase ng mga pelikula. So sinimulan ko sa Blairwitch Project to set the mood. Isa kasi ito sa mga pelikula na nang istorbo sa nanahimik kong mundo. Mas nagimbal ako ngayon kesa nung una ko itong pinanood, hindi ko alam kung bakit. Nung medyo jumpy na ako, saka ko naman pinanood yung Hollywood remake ng The Eye na gawa ng Pang Brothers. Sa kalagitnaan ng pelikula, napahinto ako, natulala, napahinga ng malalim at nasabing "WALANG KWENTA!".

Kumpara sa original, parang kenkoy ang remake, iba kasi ang atmosphere nung original, mas mararamdaman mo ang pagiging creepy ng mga eksena, dahil siguro hindi ko kilala ang artista dun sa original at feeling ko totoo ang mga scenes, unlike nung remake na kapag nakikita ko si Jessica Alba, pumapasok sa isip ko ay bikini at beach. Papano ka matatakot nun. Masyadong pinilit ng remake na gayahin ang creepy scenes ng original. Pinilit. Wala. Embang. So halfway ng movie, hininto ko na..

Siyempre hindi pa ako naggive up sa mga horror, next ko pinanood ay yung Friday the 13th. Nung elementary ako, isa si Jason Voorhees sa mga astig na characters sa movies para sa akin. Nung nalaman ko na gagawa uli sa US ng Friday the 13th, nabadtrip ako, dahil gagawa nanaman sila ng movie based sa isang classic, kagaya nalang ng Jason X. Ginawa nilang robot si Jayson. Nung nalaman ko na origin pala ni Jayson yung gagawin, naisip ko na hindi masama. Pwede. Aba teka..

Oo nga pala, yung Jason X yung unang film na napanood ni DJ sa Friday the 13th series at parang last month nya lang napanood. So na curious sya sa character ni Jayson Voorhees. So dinownload ko yung movie, pinanood namin, at first time ko nakita na nagtago ng mukha si DJ sa takot. Okay sa kanya yung movie, para sa akin, astig din, nagustuhan ko, at ang maganda pa dun, hindi nila ginawang super natural si Jayson, ginawa nilang parang serial killer, kagaya ni LeatherFace. Na redeem ng horror ang sarili niya sa akin. Astig.

So last stop ko sa aking horror flicks escapade, ang movie na nakita ko sa may escalator sa Megamall mga 2 months ago. Medyo na curious ako sa poster hindi dahil sa chick kundi dahil merong aswang na bata, effective kasi sa horror film ang aswang na bata kagaya nlang sa The Grudge chaka The Exorcist. Ang movie na sinasabi ko ay pinamagatang The Unborn. Magkasama kami uli ni DJ nang pinanood ko ito, siya kasi ang aking pang measure kung talagang nakakatakot ang horror movie o hindi. Well, hindi takot, hindi kaba at hindi gimbal ang binigay ng pelikulang ito kundi antok, isang malupit na antok. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari pero inantok talaga ako ng todo, nagising na lang ako ng makita ko na kasama pala sa movie si Gary Oldman. Pero wala padin, inantok pa din ako. At eventually - Zzzzz.

Well, hindi padin tapos ang aking paghahanap ng mga horror movies. Gusto kong matakot ng todo. Kung meron kang suggestions, meron akong message box sa gilid, wag kang mahiya, magtakutan tayo! Bwahahahaha!

0 comments:

 
Blogger design by suckmylolly.com