Woah, hardcore na pala ang presyo ng mga bags ngayon.
Kahapon umalis kami ni Kichian para bumili ng bag niya, kasi papasok na siya sa school. Nagpromise pa naman ako sa kanya ng Spongebob na bag, ang problem lang na pull-out na lahat ng stocks sa lahat ng SM. So naghanap kami ng kapalit. Luckily, ang aking pamangkin ay mahilig din sa hot wheels at sa lahat ng bagay na may gulong. So from Spongebob naging Hotwheels yung choice namin. Ang akala ko mga 400-500 ok na, makakabili na ako ng maliit na backpack.
Siyempre, mali ako..
800 pesos! Ganun na pala ang mga bag ngayon?! Hahaha. Samantalang 400 pesos na bag namamahalan na ako. Anyway, dahil nga nagpromise ako, binili na namin yung bag niya. Nagustuhan naman niya kaso sabi nya mas gusto nya daw ang billiard table kesa sa bag.
Dahil nagmana sa aming magkakapatid ang aking pamangkin, napaka hilig nito sa video games. Kahit anong games ok sa kanya. At kaya nya pang mangbeat ng mga ps2 games. Bakit kakaiba? Kasi nangtatapos na siya ng games since mga 2 years ago. Paalala: si Kichian ay 4 years old palang.
June na pala. Tag-ulan na talaga.
Monday, June 1, 2009
School Supplied
Bulalas ni Dan Yamat at 6:25 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment