DANG!
Kalat na talaga ang H1N1 virus, meron na din sa Accenture, eh kapit building namin yun. Nakakatakot. Pati mga big taym na campuses maron na din. Tsk tsk.
Anyway highway..
Nagstart na si Kichian ng school, sinundo ko sya kahapon. Mukha namang nageenjoy siya so ok yun. Nagdrawing daw siya ng heart, apple at strawberry. Nagstart na sa art ang pamangkin ko, sana tuloy tuloy. Since may mga alam nadin naman kami ni Loki, ituturo namin yun kay Kichian pag lumaki laki siya ng konti.
Wow, kung iisipin mo, meron na akong pamangkin na nagaaral. Naalala ko pa nung kinder ako, pinapasayaw kami ng teacher at pinapakanta. Para kaming G.I. Joe na pinagttripan ng teacher at mga kamag-anak nya, pero dahil bata pa kami, super duper enjoy. Actually nanalo pa ata ako na 7th place sa dancing. May trophy pa nga ako eh, tignan mo ngayon, wala akong alam sa pagsasasayaw.
Meron daw martial arts classes si Kichian, hindi ko alam kung ano pero wag naman sana Jujitsu. Baka bugbugin ako ng pamangkin ko pag laki niya.
Nakakatuwa na meron nang kalaro na mga ka age nya si Kichian, kasi wala siya masiyado kaedaran sa bahay chaka sa kanila. Kaya puro video games ang alam gawin.
Wala siya pasok bukas until friday, so sa lunes pa, susunduin ko siya ng maaga-aga para makita ko siya sa loob ng classroom.
Ano nga ba ichura ko nung kinder ako?.. Hmmm.
Wednesday, June 10, 2009
Kichianomics
Bulalas ni Dan Yamat at 9:03 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment