Pablito Sarmiento, yan ang pangalan ng gumising sa napakasarap na tulog ko kanina. Kung nagtataka ka kung sino si Pablito Sarmiento, malamang ay mas kilala mo sya sa pangalang Babalu. Ang aga kasing binuksan yung TV sa bahay, at malamang ay nagenjoy sila sa pinapanood nila kaya nakalimutan nila na mey isang batugang natutulog. Anyway mas ok pa na si Babalu ang gumising sakin, kesa naman ang abnoy na si Kris Aquino at ang perpekto nyang mundo. Baka magbigti na ako nun.
Sama mo na si Boy Abunda. Ayoko talaga sa dalawang yun.
Had a bad day again, she said I could not understand. Slammed the door and said I'm sorry I had a bad day again.
Hindi maganda tong araw na to. Biruin mo bago ako pumasok, nahulog yung cellphone ko sa tubig, so ginamitan ko agad ng blower. Ok naman, gumagana pa ng maayos mero maya maya hindi na, ayaw na bumukas. Badtrip Number 1.
Nasa jeep na ako nung napansin ko na naiwan ko yung ID ko. Eh minsan malupit yung guard sa building namin. So dinaan ko nalang sa salita at mabilis na pagkilos ang pagpasok ko sa building namin, isa lang ang problema, kailangan ko lumabas uli para bumili ng pagkain, itatali ko na nga yung ID ko sa bag ko, para wala nang Badtrip Number 2.
Kasama kasi ng ID ko sa lace yung flash stick ko, so eto ang ginagamit ko na pangdownload ng movie kasi hindi ako nakakatulog pag hindi ako nakanood ng DVD sa gabi. Gusto ko na talaga paghiwalayin yung ID ko chaka yung flash stick kaso hindi ko naman alam kung saan ko yun isasabit, so malamang reruns nanaman ako ng mga luma kong DVD mamya, sheesh.. Andami ko pa namang bagong download ngayon. Wala na ngang movie, meron pang Badtrip Number 3.
At nang papasok na ako, bigla namang nanghardcore ang ulan. Eh naiwan ko yung payong ko sa office. One malakas na ulan and zero payong, hence Badtrip Number 4.
Stop. Hammertime.
Look at the bright side..
Buti nalang nagbago ang takbo nang araw ko nung kinahapunan. Buti nalang. Muntik na kasi akong bumili lubid sa HandyMan. Pero minsan power trip ang buhay, kailangan lang ng konting pasensiya at sense of humor.
Badtrip Number 1 - Dahil akala ko ay matutuluyan na ang aking telepono, nag search ako ng bagong unit. Since yung Walkman Phone series ang pinaka astig para sa akin, nagsearch ako ng mga unit na mas kumpleto ng features kesa dito sa unit ko, at namangha ako nang makita ko ito ang bago kong crush, W705.
Mey bago na akong target. At oo nga pala, biruin mu yun, biglang gumana yung cellphone ko, at wala siyang problema.
Badtrip Number 2 - Dahil matagal kong pinag-isipan kung ano ang gagawin para makapasok ng building, nadiskubre ako ng paraan para makapasok kahit walang ID, hindi ko na sasabihin dahil baka gayahin mo, mag-isip ka nang sayo.
Badtrip Number 3 - Dahil imbes na papanoorin ko ngayong gabi na ito ang mga madodownload ko ngayon, natambak silang lahat dahil nga walang flash stick, so isang katutak na movies ang pwede kong panoorin sa weekend. Hindi ko na kailangang magsearch pa bukas, ang gagawin ko nalang ay pumetiks at mag-sounds sa office.
Badtrip Number 4 - Naalala ko nang bitbitin ang payong ko na nakatambak lang sa office.
Sana mas ok na yung araw ko bukas. Naisip ko na disposable ang badtrip, kaya mas maganda na itapon mo nalang agad pag tapos mo gamitin.
Thursday, April 30, 2009
4 Badtrips and 1 Babalu
Bulalas ni Dan Yamat at 9:25 PM 0 comments
Wednesday, April 29, 2009
Yadda Yaddan
Hay naku, ayoko nang bumalik sa 3 Stars and a Sun. Everytime kasi na magpupunta ako dun walang bagong design, puro ganun padin. Sayang kasi sobrang in demand sya ngayon, bakit kasi limited lang yung designs na ginagawa nila. Nagpunta kasi ako dun nung Sunday, andamin pading tao, brownout pa. Ayoko na talaga bumalik dun.
Maghuhugas sana ako ng pinagkainan ko nung isang gabi nung nakakita ako ng ipis sa mey bintana, eto yung ipis na medyo striped yung katawan, tapos flightless. So tsitsinelasin ko na sana nung napansin ko mey papalapit na butike, tapos dahan dahan syang lumalapit sa ipis, mala Discovery Channel. So nataranta ako, kasi gusto kong videohan gamit yung phone ko, sa sobrang excite ko hindi ko napansin na msyado nang malapit yung phone ko sa butike, eh medyo camera shy ata sya kaya ayun, kumaripas ng takbo. Sayang, ang gandang post sana nun. Attack of the silent butike.
Hindi ko napansin pero May na pala. Tulin ng panahon. Mamya nyan July na, tapos pasko na, tapos 2010 na, tapos 40yrs old na ko, tapos lolo na ko, tapos.. Ayoko na, scary..
Nakakatamad magevaluate ng mga trainees, kasi as much as possible kailangan mahanap mo sila ng mali, tapos i-cocorrect mo yung mga yun. Wala lang..
Nakachat ko minsan si Jhong, dati kong kabanda, ok naman padin yung banda nila, astig. Gusto ko manood sa kanila minsan, kasi hindi pa ako nakakanood ng gig nila, kung mey time lang ako edi full support sana kaso malabo eh, kaya kahit minsan makanood ako sa kanila. Great music, great people, sucky drummer, Stampede of Saints.
Bakit kaya kulang ng salita ang tagalog? Naisip ko lang ah, kasi diba yung toothbrush sa tagalog sipilyo, pero ano naman ang sa toothpaste? Chaka ano ang tagalog ng dinosaur? Chaka grapes? Sinasabi nila na Pinoy ang nag-imbento ng Fluorescent Lamp pero bakit walang tagalog? Kulang kulang naman.
Ay teka lang, mahigit 30 mins na akong hindi ngumingiti. Hindi maganda to. Ngiti muna ako. Baka biglang mey mangyari na hindi ako makangiti, babawiin ko na ngayon.
Bulalas ni Dan Yamat at 6:17 PM 0 comments
Tuesday, April 28, 2009
The Grim Brothers
Naghahanap ako kanina ng madodownload na movie para meron akong mapanood mamya paguwi ko, habang dumudugo na ang tenga ko sa kakaisip ng mga movies na gusto ko panoorin, bigla ko naalala yung mga paboritong tv programs namin ng mga kapatid ko nung bata pa kame.
So bale apat kame, meron akong dalawang kuya tapos bunsong babae. Sobrang adik kame dati sa tv, as in sobra. Pero hindi basta basta ordinary na shows yung pinapanood namin, since 1/4 na geek kameng magkakapatid, mahilig kame sa mga sci-fi chaka mga weird na programs. Kung mahilig ka din sa mga ganung palabas, malamang mey maalala ka sa mga to:
Mysteries, Magic and Miracles
Amazing Stories
Sightings
Ripley's Believe it or Not
That's Incredible
Unsolved Mysteries
Ray Bradbury Theater
Gusto kasi namin yung mga tipong tungkol sa multo, sa ufo, sa mga unsolved crimes, basta as long as weird ok kame dun.
Pero personal fave ko yung Ray Bradbury, napaka kakaiba kasi ng mga kwento, napaoriginal chaka.. bsta.. plain weird. Ang maganda nyan, nakakita ako ng torrent na kumpleto ng lahat ng episode, bale magdodownload muna ako ng isa para sure ako na maganda yung kopya chaka gumagana.
Hahaha, matutuwa yung mga abnoy ko na kapatid pag nalaman nila to.
Bulalas ni Dan Yamat at 9:38 PM 0 comments
Monday, April 27, 2009
Ayoko
Ayokong maging doctor, dahil ayoko makita ang mga internal organs ng tao.
Ayokong maging accountant, dahil allergic ako sa math.
Ayokong maging artista, dahil mas ok pa sa akin maging direktor.
Ayokong maging direktor, dahil ayoko sa mga artista.
Ayokong maging pulis, dahil hindi ako matulis.
Ayokong maging bumbay, dahil hindi ako matibay.
Ayokong maging magtataho, dahil ayoko sa sago.
Ayokong maging magbabalot, dahil ayoko sa mga lasenggerong makulit.
Ayokong maging chef, dahil hindi ako magaling magluto.
Ayokong maging kundoktor, dahil mahina ang aking balanse.
Ayokong maging basketball player, dahil mababa akong tumalon.
Ayokong maging panadero, dahil ayokong magising ng maaga.
Ayokong maging csr, dahil ayokong magtrabaho ng madaling araw.
Ayokong maging waiter, dahil mainipin ako.
Ayokong maging dentista, dahil ayokong makakita ng nakabukang bibig.
Ayokong maging teacher, dahil mas gusto kong matuto kesa magturo.
Ayokong maging drummer, dahil hindi sila naliligo. Ay, si Veni lang pala.
Ayokong maging bank teller, dahil takot ako sa holdap.
Ayokong maging dennis roldan, dahil ayokong mangidnap.
Ayokong maging tricycle driver, dahil ayoko sa tatlong gulong.
Ayokong maging jeepney driver, dahil ayokong manukli.
Ayokong maging langgam, dahil baka maging diabetic ako.
Ayokong maging ipis, dahil ayokong makipagaway sa tsinelas.
Ayokong maging cartoons, dahil akala ng iba ay mature ako.
Ayokong maging mature, dahil mas gusto ko pang manood ng cartoons.
Ayokong maging magician, dahil ayokong mawalan ng kuneho.
Ayokong maging congressman, dahil ayokong umitim ang aking budhi.
Ayokong maging papel, dahil ayoko sa mga drowing.
Ayokong maging sapatos, dahil ayokong maitlugan ng ipis.
Ayokong maging cellphone, dahil ayokong malobat.
Ayokong maging keso, dahil takot ako sa daga.
Ayokong maging lolo, dahil sa ayoko magka-liver spots.
Ayokong maging salamin, dahil talo ako lagi sa titigan.
Ayokong maging tanghalian, dahil ayokong maging ebak.
Ayokong maging pera, dahil ayokong madrowingan ng shades.
Ayokong maging eleksiyon, dahil ayokong mabalewala.
Ayokong maging aso, dahil gusto ko sa pusa.
Ayokong maging pusa, dahil hindi sila naliligo.
Ayokong maging mani, dahil ayokong maging burles.
Ayokong maging instant noodles, dahil mas astig ang pinaghihirapan.
Ayokong maging fruit salad, dahil ayoko sa prutas.
Ayokong maging fishball, dahil baka ako ang sisihin sa hepa.
Ayokong maging vanilla, dahil mas gusto ko ang chocolate.
Ayokong maging ube, dahil hindi ko gusto si grimace.
Ayokong maging kuya germs, dahil gusto ko nang matulog.
Ayokong maging pangako, dahil baka lang ako mapako.
Ayokong maging pako, dahil masakit mapalo ng martilyo sa ulo.
Ayokong maging tamad, dahil mas productive ang maging masipag.
Ayokong maging masipag, dahil ubod ako ng tamad.
Ayokong maging ikaw, dahil mas gusto kong maging ako.
Ayokong maging ako, dahil mas gusto kong maging si batman.
Bulalas ni Dan Yamat at 8:36 PM 0 comments
Labels: ayoko
small talks
Veni: Nakita mo ba yung Pacific Ocean?
Dan: Ano meron dun?
Veni: Tatay ko naghukay nun!
Dan: Ows? Eh nakita mo ba yung Dead Sea?
Veni: Oo bakit?
Dan: Tatay ko pumatay nun.
Bulalas ni Dan Yamat at 6:32 PM 0 comments
Sundan Natin Ang Ngiti Ng Araw
Hindi ko nilista ito sa Top Ten Ng Mga Bagay Na Nauso Nung Bata Ako dahil hindi naman nito ka-league yung mga nakalagay sa listahan na yun, dahil iba ang kalibre nito sa dahilan na ito ang kauna unahan sa paghubog, pagturo at paginpluwensya ng mga kabataan noon. Ito ang imortal na programang pang bata. Ang Batibot.Ito ang programa na ginawa para sa kapakanan ng mga batang Pilipino. Ito lang ang tanging programa na nagturo kung ano ang tinapang bangus, sa anong bitamina mayaman ang bagong aning pechay, kung ano ang halaga ng mga kapitbahay nyo at marami pang iba. Puno ito ng mga kaalaman tungkol sa history ng Pilipinas, ang luma at bagong alpabetong Pilipino, paggalang sa nakakatanda at iba ibang bagay na dapat mong matutunan para maging isang tunay na Pilipino ang isang bata.
Pero asan na sila Kuya Bodjie, Ate Shena, Pong Pagong, at Kiko Matsing. Ano ang dahilan ng pagkawala ng Batibot? Dahil ba nawala na sa uso ang tema ng palabas na ito? Dahil ba mas pinili na ng mga magulang at mga kabataan ang mga Western na programa kagaya ng Teletubbies, Blue's Clues at Barnie and Friends dahil sa tingin nila ay mas educational ito at mahalaga na matuto ng english ang mga bata ngayon?
Kauna unahang opening song ng Batibot 1984
1997 ang taon ng tanggalin sa ere ang Batibot. Napilitan ang PCTV (Philippine Children's Television Foundation, Inc.) na itigil ang palabas dahil narin sa mabilis na pagkawala ng mga manonood ng Batibot dahil sa kasikatan ng mga cable networks kagaya ng Cartoon Network at Nickelodeon. Pagkatapos ng isang taon, nagbalik ang Batibot gamit ang bagong titulo, Batang Batibot pero sa pagkakataong ito, talagang mahina na ang palabas, dahil sa parehong dahilan at dahil na rin sa pagkawala ng dalawang characters, sila Pong Pagong at Kiko Matsing.
Pero bakit nga ba nawala sila Pong Pagong at Kiko Matsing?
Alam mo ba na bukod sa PCTV, isa pa sa mga producers ng Batibot ay ang CTW (Children's Television Workshop), ito ang organization na gumawa ng Sesame Street kaya hindi pwedeng sabihin na rip-off lang ng Sesame Street ang Batibot dahil iisa lang ang gumawa ng dalawang palabas, sa katunayan nito, ang unang title ng Batibot ay Sesame!. Ang gustong mangyari ng PCTV ay makagawa ng programa na hindi lamang nagtuturo sa mga kabataan, kundi pati narin malaman ng mga bata ang importansya ng kultura at kasaysayan ng Pilipinas. 1989 ng bitawan ng CTW ang pagproduce at mag-isa itong hinawakan ng ng PCTV. 1996 ng inutos ng CTW ang pagpapaalis nila Pong Pagong at Kiko Matsing sa Batibot dahil sila ang mei hawak ng lisensiya ng dalawang characters. Ito ang isa sa pinakadahilan sa unti unting pagbagsak ng Batibot.
Nakapang hinayang diba? Para sa akin mas mahusay pa ang Batibot kesa sa mga Western children's shows dahil ito ay ginawa para lamang sa batang Pilipino ngunit sadyang napakalakas na ng impluwensiya ng Western culture sa Pilipinas na umabot na ito sa punto na unti-unting nang kinalimutan na ng mga Pilipino ang mga bagay na nagturo sa kanila kung papano maging isang tunay na Pinoy, isa dito ang Batibot. Pero maswerte ako at ang mga kabataan noon dahil nagkaron kame ng isang programa na nagmalasakit sa kapakanan namin bilang isang bata at isang Pinoy, kaya ako, hanggang sa mamatay ako, isa akong Batang Batibot.
Oo nga pala, ang ibig sabihin ng Batibot ay "maliit, ngunit malakas at masigla".
Bulalas ni Dan Yamat at 2:22 PM 0 comments
Labels: batibot, children, kiko matsing, pang pagong, sesame
Friday, April 24, 2009
Friday Night Blah Blah
Yea, friday night!
So planado na ang weekend ko, sana madami ako magawa para sulit ang off. Sana rin makita ko yung mga pamangkin ko. Ok na ok na yun.
Ako yung tipo nang tao na naggagala pag off, gusto ko isiksik lahat ng pwedeng gawin sa loob ng dalawang araw kaya ayoko nagsstay sa bahay namin. Pero gusto ko ring nanonood ng mga movies at dokyu every weekend, pag gabi naman yun. So talagang naka budget na yung oras ko pag weekend. Di bale nang pagod, wag lang.. uhmm.. wala akong maisip na kasunod.
Try ko magpunta sa recto or makati square sa sabado before ko sunduin si Dj. Hindi na kasi nadagdagan yung collection ko ng dvds. Oo nga pala, meron nga pala akong collection ng mga movies, karamihan dun pirated pero yung high quality, hindi katulad ng mga mkikita mo sa bangketa lang, kaya dinadayo ko pa. Chaka wala akong mga common na title kagaya ng "Fast and the Furious" o kaya mga ganung sellout na movies. Ayoko nun. The rarer the better. Lagi akong merong listahan ng mga hahanapin kong dvds para hindi ako nalilito pag naghahanap na ako ng mga titles chaka pwede akong magtanong sa nagtitinda. Kapag hindi ko na talaga mahanap yung title, dinodownload ko na, kagabi finally napanood ko na yung "King of Comedy" ni Robert De Niro chaka Jerry Lewis. Ang galing...
Gusto ko sana magpunta sa Broadway Centrum, kasi andun yung 3 Stars and a Sun, yung clothing shop ni Francis M(rip). Gusto ko kasi yung mga tshirt nya kaso nga lang ang bilis maubos ng mga designs, buti nalang nakuwa ko yung telephone number ng shop. Nakakatawa kasi everytime nagpupunta kame ni Dj dun lagi kameng lumalampas ng isang station sa LRT2. Kaso everytime din na nagpupunta kame dun, limited na yung designs chaka sizes kaya madalas hindi ako nakakabili, pero nakabili si Dj ng tshirt last time kaya ok din. Nagpunta ako dati dun nung buhay pa si Francis M, walang tao noon sa shop, madami kasi nagrereklamo na masyado daw mahal yung mga damit kaya walang masyadong bumibili. Next na punta ko dun namatay na si Francis M, pagdating namin ni Dj, nagulat kami kasi napaka haba ng pila, nakakabadtrip kasi ginawang fad yung pagkamatay ni Francis M. Mga pinoy talaga. Ngayon mejo wala na yung fad, wala na siguradong tao dun uli, makakabili na uli ako ng maayos. M-M-M-M-M-M-M-Mga Kababayan!
Nakakaasar. Kasi napansin ko lang ah, si Arnel Pineda, si Charisse Pempengco (tama ba?), yung pinoy sa Black Eyed Peas chaka si Manny Pacquiao, sila yung mga pinoy na sobrang sikat sa abroad. Bakit ganun? Hindi naman sa kinahihiya ko yung mga yun dahil astig sila, pero wala bang medyo pogi-pogi or maganda-ganda na sisikat na pinoy internationally. I mean, sila Tia Carrera chaka Lou Diamond Philips parehong maganda yung mga itsura pero hindi naman alam nang rest ng mundo na pinoy sila eh. Baka kasi sabihin ng buong mundo walang pogi or maganda sa Pinas at puro ganun nalang ang ichura. Hindi naman ako superficial pero diba, do you get my point? (Wag nyo nalang akong pansinin masyado, dala lang ng gutom to.. hahaha)
Hay kahit papano umaraw na. Sana lang wag umulan this weekend. Ayoko munang uminom, sabagay hindi naman ako madalas uminom na, pero still, ayokong uminom. (Unless mey magyaya, wait, nagpramis si Veni na magpapainom sya, aba teka..)
Wala na akong ginagawa ngayon, pinapakinggan ko nalang makipag utuan yung mga katrabaho ko sa mga estudyante nila. Gusto ko nang umuwi kaso gusto ko pa namnamin yung mga huling oras ng trabaho bago mag weekend na parang yung huling subo pagkumakain ka ng cake, save the best for last.
Masayang Sabado at Linggo sa'yo (chaka sakin)!
RakenRol!
Bulalas ni Dan Yamat at 9:01 PM 0 comments
Thursday, April 23, 2009
Crazy Japanese Pranks
Japan is one crazy country... and I wanna go there. Funniest video i've seen in ages.
Bulalas ni Dan Yamat at 10:43 PM 0 comments
So Long Sweet Summer
Pagkatapos ng sangkatutak na reklamo tungkol sa init nitong summer, bigla namang nag-uulan ng todo. Syempre reklamo naman na ambilis matapos ng summer. Hindi pa nga nakakapag outing eh.
Kelan ba matatapos ang reklamo?
Sana naman wag muna maging tag-ulan, parang ang laking change nun, isipin mo hindi pa tapos yung April tag-ulan na agad. If so, isa ito sa pinaka boring na summer, ever.
Last year kasi masaya saya ng konti compared ngayon, malamang dahil kakatigil ko lang mag work nun pero mey nakatabi akong pera so kahit maggala at lumayas ako ayus lang, game. Ngayon kasi nakatutok lang ako sa trabaho at sa init ng araw, walang distraction sa dalawa, kaya ayun lang ang napansin ko.
Pero meron naman ako mga plano gawin, napaaga lang talaga yung tag-ulan kaya malamang na postponed lahat yung mga plano na yun.
Well, meron pang pag-asa kasi meron pang natitirang isa pang buwan, sana lang magpapansin si haring araw, kaso wag lang todo, baka magreklamo nanaman ako na ang init..
Bulalas ni Dan Yamat at 2:07 PM 0 comments
Tuesday, April 21, 2009
small talks
Dan: - Badtrip! Ang hirap ng test natin sa Math!
Veni:- Sabi mo pa!
Dan: - Wala nga ako nasagot eh, blanko lang yung papel ko.
Veni:- Ako din, blanko din yung papel ko.
Dan:--Ay gago, baka sabihin ni mam nagkopyahan tayo!
Bulalas ni Dan Yamat at 10:11 PM 0 comments
Monday, April 20, 2009
Top Ten Ng Mga Bagay Na Nauso Nung Bata Ako
Nung panahon na wala pang Playstation, Cartoon Network, Friendster, Online Games at Cellphone, mababaw lang ang kaligayahan ng mga bata noon.
Hindi ko alam kung depende ba sa lugar mo kung ano ang uso dati, kaya hindi ako sigurado kung ano yung nauso sa inyo nung bata ka pa, pero malinaw parin sa isip ko kung ano yung uso nung bata ako kaya eto ay alay sa mga kabataan na nakalaro, nakasama at nakaaway ko dati.
10. Palabunutan ng Sisiw - Kagaya ng mga elementary school noon at ngayon, maraming bagay ang masasaksihan mo sa labas pagka uwian na dati. Merong rentahan ng Game & Watch at Viewmaster. Andyan ang mga gumagawa ng green na kwintas na personalized, andyan ang nagtitinda ng umang, gagamba, at ng iba iba pang insekto, pero, isa lang ang umagaw sa pansin ng mga kaibigan ko, kapatid ko, at ako - ang palabunutan ng sisiw.
So ganito yun, bubunot ka ng maliit na kapiraso ng papel, pag binasa mo ang papel ay mey lalabas na hugis, yun ay kung suwertehin ka. Bale bago ka bumunot maglalagay ka muna nang piso sa tayaan kung ano ang gusto mong shape, pag nagtugma yung shape na tinayaan mo at nang nasa papel mo, panalo ka na at ang premyo sigurado ay isang sisiw, either ng manok (multi-colored), ng pato, or ang grand prize na sisiw ng pugo (makukuwa mo pag mas malaki ang halaga ng tinaya mo). Lagi kaming nananalo ng mga kapatid ko kaya andaming sisiw sa bahay, ang problema lang ay nakakalimutan namin kaya minsan pagbukas ng drawer namin, either makakita kame ng nagdedecompose ng corpse ng maliit na ibon, or skeleton nalang.
Minsan sinubukan naming mandugas para makuwa namin yung pugo. Ganito yung ginawa namin, bumunot kame ng papel, inuwi, binasa yung papel, bumalik, tinayaan yung lumabas na shape. Simple lang diba, pero nahuli ako kasi nanginginig ako, buti nalang mabilis ako tumakbo nung bata ako.
9. Rambbo - Wag kang mag-alala, hindi ako wrong spelling. Eto lang talaga yung pangalan ng tsinelas na nauso nung bata ako.
Makapal ang mga tsinelas na to, kulay itim ang katawan at pinaka common na kulay ng strap nito ay pula. Meron syang stripe na iba't ibang kulay sa gilid.
Ang dahilan ng kasikatan ng nasabing tsinelas ay ang abo't-kayang presyo nito at ang kapasidad nitong magpalipad ng lata sa tumbang preso.
8. Undercut - Ganito yun, iaangat ang buhok sa gilid ng ulo mo saka sasadsadin ng barbero ang buhok mo sa ilalim nito. Pagkatapos ng gupitan ay pwede mo nang ibagsak ang buhok mo pero merong surprise pag inangat mu ito uli, jereng!! Ito ang UNDERCUT! Ang sadsad na buhok sa ilalim ng ibabaw na buhok na kadalasan ay nakahati sa gitna.
Ang labanan sa aming mga lalaki nun ay pataasan ng sadsad, mas mataas, mas pogi. kapag itinali or hineadband mo naman ang buhok mu, wow, gwapong gwapo ang pakiramdam mo sa malinis na gilid ng buhok mo, bale eto ang modern ng version ng mullet, kasi two in one ang ichura ng buhok mo.
7. Takeshi's Castle - Hindi ito yung kei Joey De Leon, bale ito yung unang Takeshi's Castle na pinalabas dito sa Pinas, kung natatandaan nyo pa, sila Anjo Yllana at Smokey Manaloto ang host pa nun at mey kasama pa silang midget na hindi ko maalala kung ano ang pangalan.
Ang pinagkaiba ng luma at bago, yung luma, makikita mo talaga yung game chaka mga contestants from start to finish, wala silang mga parlor games unlike yung kila Joey, focused talaga dun sa japanese game show.
Masaya yung luma talaga, kumpara sa ngayon so astig kung magkakaron sana ng reruns.
6. Gagamba Wrestling - Nung wala pa sila John Cena, Batista, Tito Ortiz, Chuck Lidell at ang mga mababangis makipaglaban ngayon, ang mga sikat noon ay ang mga gagamba. Mey talahib, ekis, kuryente at kung ano ano pang mga uri ng gagamba ang pinaghihirapang hulihin at ikulong sa kahon ng posporo.
Ganito ang procedure: kukuwa sila ng mahaba pero manipis na stick, ilalagay ang dalawang magkalaban na gagamba. Kung sino ang unang maging meryenda syempre yun ang talo.
Malaki ang kita ng nagtitinda ng gagamba sa tapat ng elementary school namin dahil halos lahat ng mga batang lalaki hindi na kumakain at nalilipasan na ng gutom para makabili lang ng gagamba.
5. Universal Motion Dancers - Or UMD. Sila ang grupo ng mga kalalakihan na mgagaling sumayaw. Madami silang pinausong sayaw at steps pero ang pinakatumatak sa alaala ng mga kabataan noon ay ang tinatawag na " The Butterfly Dance" sa saliw ng tugtuging "Always" ng Erasure.
Well sadyang hindi ako marunong sumayaw, at sadyang matigas ang katawan ko sa naaliw nalang ako noon sa mga kaklase ko na non-stop pag sinasayaw ang butterfly. Mahirap sayawin ito dahil kailangan mo ng katawan na mas malambot pa sa basang pandesal kaya nakakamangha pag nakakita ka ng nakamaster ng nasabing sayaw.
Nung panahon na nauso ang UMD, bigla ding nagsulputan ang mga dance groups na naggaling sa kung saan saan, so halos lahat ng kalye merong dalawa hanggang apat ng grupo tapos kada fiesta ay merong mga contest. Meron ding mga "showdown" sa kalsada na ginaganap pag gabi, at ang props na kailangan lang ay kutson ng kama, malakas na stereo at makapal na apog.
Pero.. Sadyang matigas ang katawan ko.
Para sa mga hindi nakakaalam ng "The Butterfly Dance", hindi ito miyembro ng UMD pero kuwang kuwa niya ang sayaw.
4. Ghost Fighter - "RAYGUN!!" Ito ang imortal na panira ni Eugene sa palabas ng Ghost Fighter. Isa itong anime at Yu Yu Hakusho ang original na title nito. Una itong pinalabas nung grade 6 ako sa ibc 13, pero hindi ito masyadong nag click nung una hindi katulad ng Dragon Ball Z pero nung kinuwa ito ng channel 7 sobrang ganda ng advertisement na ginawa nila kaya halos lahat na ng tao tumutok dito. Naalala ko pa nung kakwentuhan ko tungkol dito yung teacher ko sa Filipino nung 1st year ako, nagulat ako dahil matandang babae na sya pero kilig na kilig sya kina Eugene at Jenny na hindi nya na napansin kung gaano ka bayolente ang anime na ito.
Marami ang naadik at hanggang ngayon ay meron itong parang cult followers.
3. Nintendo Family Computer - Sino ba naman ang hindi nakakaalam sa Family Computer. Lahat ata ng kabataan noon ay nakapag laro ng Pacman, Super Mario Bros, Donkey Kong, Digdug, Battle City, 1942, Contra, Bomber Man, Galaga at Load Runner.
Dalawang version nito ang sumikat sa Pinas, una yung mey mic sa controller, tapos yung isa yung mey turbo version ng A and B buttons. Madaming klase ng cartridges or "tapes", merong single game, merong multiplayer at syempre, ang "in-1". Nagkaron pa nga kame dati ng 3,000,000-in-1.
Isa ata ang kuya kong si loki sa mga pinakamagaling maglaro ng family computer dati, pano tinatapos nun yung Mario 3 ng walang patay chaka walang cheat kaya hanggang ngayon adik yun sa playstation. Ako naman, ang pinaka gusto kong laro sa family computer ay Contra kaso siyempre ginagawa ko yung Konami trick (up, up, down, down, left, right, left, right, b, a, b, a, start) bago ko ma beat yung laro. Nalaman ko din na hindi lang pala ako sa pagsayaw walang talent, pati rin pala sa video games dahil hindi ko nabeabeat ang high score ng kapatid kong babae.
Nung bata ako merong rentahan ng family computer, bale 5 pesos per half an hour yun. Meron din laruan na piso per life so pag magaling ka talaga, mababaon sa utang sa meralco yung mey ari.
Kung magrereklamo ka at magtatanong kung bakit walang Atari dito sa listahan, ito ay dahil hindi ko naabutan yung hayday ng Atari, at hindi pa ako ganun katanda.
Nagsearch pala ako nung nakaraan sa mga online shopping websites at naghanap ako ng family computer (yung original red ang cream ah, kasi madami nang gawa gawa lang ngayon). So nakakita ako ng mga lumang consoles pero ang family computer ang pinakamahal, mas mahal pa sa Atari. Sana pala tinabi ko yung set namin dati..
Basta wag mu lang kalimutang hipan yung tape pag hindi umandar.
2. Brick Game - Hand held gaming device, bale ito ang anak ng tetris, dahil iisa lang ang game play nila, ang pinagkaiba lang ay mei kulay ang tetris, ito ay plain black ang white lang.
Hindi ko na ieexplain kung pa'no ito laruin dahil engot lang ang hindi nakakaalam.
Hindi ko sigurado kung pa'no ito nagsimula at pa'no ito nagboom. Ang natatandaan ko lang ay nagdala nito ang classmate ko sa classroom nung elementary at siyempre nag-agawan sa paghiram ang kameng mga kaklase. Hanggang sa eventually nagkaron na kame ng brickgaming hour sa school, dahil ang brick game daw ay exercise sa iyong IQ or baka dahil tinatamad lang ang teacher. Nung panahon na yun, pag ang dala mo ay Gameboy, ikaw ang hari, pero since napakamahal ng Gameboy dati, hindi siya naging fad.
Bukod sa Tetris-like na game play, meron ding bonus ang ibang Brick Game units, ito ay mga iba pang laro gaya ng Snake, Tank, Boxing, at reverse tetris (galing sa baba ang mga blocks, instead na sa taas).
Mas lamang ito sa Family Computer dahil ang Brick Game ay kinaadikan hindi lamang ng mga bata kundi pati nang matatanda, napakadaling bitbitin at daan daang unit nito ang nakita ko nung pasko na uso pa ito.
And finally.. Ang number one na nauso nung bata pa ako ay walang iba kundi ang...
1. Teks - Hindi lang basta basta trading cards ang sinasabi ko, ito ay mga cards na merong drawing ng mga eksena sa pelikula. Kadalasan distorted ang istorya nito kumpara sa mismong pelikula pero hindi naman ito ang dahilan ng pagka adik ng mga bata dito.
Ang teks noon ang unang engkwentro ng bata sa pagsusugal, pero hindi pera ang itinataya kundi teks din (ngunit minsan ang taya ay pera, ito ang tinatawag na Teks Money). Sa pamamagitan ng iba't ibang uri ng paghagis sa mga maliliit na barahang ito malalaman kung ikaw ay talo o panalo, dehado o llamado. Kadalasan ay tatlong baraha ang gigamit sa paglalaro, ang mga ito ay ang pamato mo, pamato ng kalaban, at ang panabla (minsan ay ang pamato ng ikatlong manlalaro).
Ito ang mga lenggwahe o mga terms na ginagamit sa naturang laro:
Tsa o tsaya- Pag ang baraha ay nakatihaya.
Tagilid - Pag ang baraha ay naka uhm.. tagilid. Pag ito ay nangyari, hindi malalaman kung tsa o tsub kaya papaikutin uli ang baraha.
Akeyn - Isinisigaw ng manglalaro pagnananalo o pag kumpiyansa na siya ang mananalo.
Pati - Ito ay tumutukoy sa pag taya ng lahat natitirang baraha ng isang manlalaro.
Pati Pamato't Panabla - Kagaya ng Pati ngunit kasama na sa taya ang pamato at panabla.
Dangkal - Ito isang sukat gamit ang kamay para malaman kung gano kadami ang itataya.
*Meron akong mga nakalimutan na term, yung tungkol sa pagtaya kung gano kadami ang natitirang teks ng kalaban.
Iba-iba ang paraan ng pagtira, ang una ay ang simpleng paghagis ng teks sa pamamagitan ng pag-ipit ng mga baraha sa hintuturo at hinlalaki, ihahagis ito ng vertical ng mey konting pitik sa wrist para bumilis ang ikot ng mga teks. At ang pangalawa ay ang paghiga ng mga teks sa nakabalikong hintuturo at pag pitik ng hinlalaki pataas. Ito ay nakakagawa ng diagonal na pag-ikot ng mga teks. Meron din ang Flying Saucer kung saan imomodify lang ang unang paraan at gagawin itong horizontal.
Natatapos ang laro kapag naubos na ang teks ng mga kalaban, na kadalasan ay manghihingi ng balato at ilalaban ito sa mga tanga tangang mga manlalaro, gugulangan at lalaban uli sa hiningian niya ng balato sa pag-asang makukuwa nya uli ang dati niyang teks. Ang naipong teks ay kadalasang nilalagay sa plastic bag o sa kahon ng sapatos.
Mabangis at madugo ang labanan ng teks kaya ito ang number one, kadalasan ay dumadayo pa ang mga manlalaro at minsan pag sabado o linggo ay mei designated na lugar kung saan magkikita ang mga mahuhusay na manlalaro at maglalaban laban hanggang sa isa nalang ang matira at hanggang sa sunduin sila ng magulang nila at pauwiin habang hinanampas ng alpombra ang kanilang hita at pwet.
Naaliw din ako dito ngunit kadalasan ay nauubos ang pera ko sa pagbili ng teks kaya maaga akong nag-retire.
So ito ang mga bagay bagay na nakagisnan at kinaaliwan ko at ng mga kaedad ko nung kami ay mga bata palang, sana nag-enjoy ka at sana kahit papano ay nakiliti ko ang iyong alala nung simple pa lang ang buhay at napaka babaw palang ng kaligayahan ng mga batang katulad ko.. noon..
Bulalas ni Dan Yamat at 9:50 PM 0 comments
small talks
Dan: _ _Wow, ganda ng pantalon natin ah.
Ralph: _Salamat pare, bago lang to.
Dan: __ Ah talaga? Ano tatak?
Ralph: _Guess.
Dan: __ Uhm.. Levi's?
Bulalas ni Dan Yamat at 3:02 PM 0 comments
Weekend Shmikend
Hay, lunes nanaman..
Nagpa pedicure kame ni Dj nung sabado, since hindi pa ako nagpapapedicure tanang buhay ko, tinry ko sya. Kaso parang medyo nanggigil yung naglilinis kaya pagkatapos ng session, puro dugo yung dalawang hinlalaki ko sa paa. Gusto ko sana sya sipain sa leeg kaso baka lumala.
Masaya naman yung weekend, hindi ko lang nakita yung mga pamangkin ko kaya medyo kulang. Natuloy pala yung jam namin nila Veni kahapon. Ok naman, medyo kinakapos na nga lang ako dahil sa tagal ko nang walang ensayo. Bago din yung studio na ginamit namin, hindi naman masama yung mga gamit kaya malamang bumalik kame dun. Kaso ang tanong, kelan naman kaya?
After ng jam nagpunta kame ni Dj sa greenhills para maghanap ng boardshort. Badtrip kasi yung trip ko na short laging malaki yung size para sakin. Sarap magpunta sa greenhills kung madami kang pera, ang galing kasi ng pagka-imitate ng mga tinda dun. So instead na bumili ako ng pagkamahal mahal na damit, dun nalang ako. Ay, hindi din pala, Bambang boy nga pala ako. Namimiss ko na mag ukay-ukay.
Death Anniv pala ni papa nung sunday, hindi ako nakapunta dahil biglang umambon, maputik pa naman dun pag umuulan, chaka isa pa, hindi ko kasama si Kichian, gusto ko kasi siya isama dun everytime mei chance. Anyway, pupunta ako dun this sunday, sana mabitbit ko si Kichian chaka sana hindi na umulan.
Hay, lunes nanaman..
Bulalas ni Dan Yamat at 2:14 PM 0 comments
Friday, April 17, 2009
Sino si Paraluman?
Kamuka mo si Paraluman, nung tayo ay bata pa. At ang galing galing mong sumay..
Wait!
Teka lang... Sino nga ba si Paraluman??
Nasa lyrics sya ng kanta ng paborito kong banda na ang nasabing kanta ay maririnig mo din sa isang commercial ng Mcdo, meron na akong nakitang tshirt na mei mukha nya, meron ding banda na kapangalan nya. Pero sino nga ba sya?...
saliksiksaliksiksaliksiksaliksik
From Wikipedia:
Sigrid Sophia Agatha von Giese (December 14, 1923), better known as Paraluman, is a legendary Filipina actress known first during the early cinema era in the Philippines. She was a contemporary of the likes of Fernando Poe Sr. and Marlene Dauden and was a major contract star of Sampaguita Pictures
Paraluman was born from a German Father and a Filipina. At her prime, she was considered as the Philippine's answer to Swedish-American Greta Garbo because of her perfect bone structure, svelte figure, long brown hair, hypnotic eyes, an impenetrable gaze, and a face capable of registering everything.
The young Paraluman was a movie fan. She loved reading magazines about her favorite celebrities. Her interest in showbiz increased when she learned that their next-door neighbor was the big movie star, CorazĆ³n Noble. Oftentimes, she would climb over the fence to catch glimpse of the actress.
Her curiosity yielded positive result because Noble’s younger sister, Lily, noticed her. Soon, Paraluman became friends with Lily.
Because of her extraordinary beauty, Paraluman was recommended by Norma, another sister of CorazĆ³n, to Luis Nolasco of Filippine Films. She was only 17 at that time. Her first movie was Flores de Mayo (1940). She first used the the screen name Mina de Gracia. It was later changed to Paraluman by Fernando Poe Sr., who signed her as a full-fledged star in X’otic Films’ Paraluman (1941). This was followed by Bayani ng Bayan and Puting Dambana.
After World War II, she came back to cinema as a contract star of Sampaguita Pictures. She then became a famous leading lady in romantic movies, but when she made a comeback, her image was repackaged by Sampaguita Pictures owner Dr. JosĆ© “Doc” PĆ©rez. She was given character roles, playing nemesis to Gloria Romero in Hongkong Holiday, then as a lame woman in Tanikalang Apoy(1959). This, however, turned to her favor because it honed her acting skills more, earning her a FAMAS Best Actress Award for the movie Sino Ang Maysala?.
Paraluman was also nominated four times in FAMAS: twice in 1959 for Best Actress for the movies Bobby and Anino ni Bathala, in 1972 as Best Supporting Actress for Lilet, and in 1976 as Best Supporting Actress for Mister Mo, Lover Boy Ko.
Ang Banda...
At ang Bangketa.
Bulalas ni Dan Yamat at 9:03 PM 0 comments
small talks
Dan: Hoy Veni!
Veni: Bakit?
Dan: Narinig mo na ba yung mayonnaise joke?
Veni: Hindi pa, ano yun?
Dan: Gusto mo ba marinig?
Veni: Oo, ano ba yun?
Dan: Hindi nga? Gusto mo talaga marinig?
Veni: Oo nga pucha, ano ba kasi yun?
Dan: Ayoko nga, baka i-spread mo!
Veni: Buset!
Bulalas ni Dan Yamat at 6:32 PM 0 comments
Thursday, April 16, 2009
Sunburn
Dammit!
Hindi talaga bagay sa katulad kong dukha ang summer. Wala akong aircon, hanggang electric fan lang. Sobrang init pa naman pag gabi. Impyerno sa lupa, bakit ba kasi sa isang tropical country ako pinanganak?! Pero meron parin namang perks yun kasi kahit saang parte ng bangketa merong nagtitinda ng halo-halo, chaka madami mga beaches dito, wala nga lang pang-pamasahe.
Perfect time para magdiet. Kung kelan naman isa ang ice cream sa mga sasagip sa buhay mo sa ganitong panahon, saka ko naman naisipang magdiet (again). Ewan ko ba, pero nung mga nakaraang buwan ang dalas kong magutom, kaya eto ako ngayon kasama ang isang loaf ng gardenia wheat bread at walang kamatayang peanut butter at strawberry jam. Badtrip pa naman kinaumagahan pag kumain ka ng wheat bread nang nakaraang gabi, hindi ko na sasabihin kung bakit.
Nagkayayaan pala kame nila Veniboy na magjam sa sunday, puro eraserheads lang ang mga kanta na tutugtugin, trip trip lang. Kelan ba ako huling umapak sa studio, medyo matagal na din. Shit oo nga noh? Kailangan ko mag vocalization.. Mi mi mi mi mi mi mi...
Next year election na naman, ang mabangis nito, presidential pa. Last year palang nagpapacute na ang mga tatakbo. Biruin mo, nasa La Trinidad ako nung september, habang papunta ako sa strawberry farm, pucha andaming poster ni Bayani Fernando dun. Nakalimutan nya ata na ang ibig sabihin ng MMDA. METRO MANILA Development Authority. Mas ok pa yung dating Bayani Fernando, nung sya pa yung mayor na nangyayakap ng puno.
Pero mas malupit ang mga pakulo ni Binay. Unang-una yung mga malalaking sign sa makati na mei nakalagay na MAYOR BINAY BE OUR NEXT PRESIDENT. Parang tanga noh? Pero effective yun sa mga matatanda dito sa makati sigurado ako. Tapos nung Alay-Lakad, andami kong nakitang pamaypay, nung nakita ko ng malapitan, mei picture ni Binay at mei nakalagay na "I'm a Binay Fan". Wow, speaking of smart advertising! Hahaha! Isa lang ang masasabi ko: NEGRO!
Hindi ako boboto next year. Sabi nila baka daw gamitin yung balota ko tapos sulatan. Ano bang bago? Madumi pa sa tsinelas ng magtataho ang election. Chaka hindi naman maririnig ang boses ko sa pamamagitan ng balota na yun, unang-una dahil naka headphone ang gobyerno dati pa, pangalawa, madaming paraan para marinig, kailangan lang ng tamang paraang ng pagiingay.
Shit, ang init..
Bulalas ni Dan Yamat at 2:10 PM 0 comments
Wednesday, April 15, 2009
ikw
Hwg kng msnay s pghngi ng 2long.
Ang mundo, ors, at tao ay wlng ptwad.
Iikot ang mundo, mhhilo k pg hndi k gumlw.
Aandr ang ors, hndi k n2 llingunin pg naiwn k.
Sny ang tao pgtwnan ang mga nddapa.
Ma2to kng mgpaikt ng srli mng gulong.
Hndi lng ikw ang mei prblma s mundo.
Wla kng ibng maasahn kndi ikw.
Wla nng ms msrp s tgumpay n nkmit mgisa.
Wg mng hnpin ang ktauhn mo s iba.
Ppnaw k pero ang pmana m ay wlng kmtyn.
Ikw ang sslat ng srli mng tlmbuhay.
Ikw ang uukt s srli mng lpida.
Bulalas ni Dan Yamat at 8:23 PM 0 comments
Tuesday, April 14, 2009
Picture Picture
Mga collection ng mga pictures na kinuwa ko gamit ang aking mahiwagang cellphone. Mga bagay na nkita ko sa paligid ligid at kinuwanan ko. Naaliw ako nung nakita ko uli kaya share ko lang. enjoy.
Eto yung nakasulat sa profile ng student ko. Hindi Haeju ang pangalan nya at wag mo nang itanong sakin kung sino si Haeju dahil hindi ko rin alam kung sino sya at lalong hindi ko alam kung bakit sya "sour".
Mey babae kayang sumasakay dito??
Freaky pero astig Santo NiƱo.
Ang tatlong Jongjong. He's my cousin, mei panorama kasi na feature yung camera ko kaya nagexperiment ako. Eto yung kinalabasan.
Hindi pwede ang iba! Tae lang pwede! Tae lang! Wag kayong baboy!
Sanhi ng matinding gutom dala ng pagtoma ng madami, isang upuan lang yan, hahahah. Salamat key Ryan and Gabs dahil sila ang nagbayad nyan.
Isang scene sa Ace Ventura, naaliw ako. Hahaha.
Ewan ko sayo pero iba ang nakikita ko sa picture na to ni Ryan chaka Choi, dahil siguro sa posisyon nilang dalawa, hahaha. Malawak ba ang imahinasyon ko o sadyang madumi lang ang utak ko?.. hmmm..
Hawak ko yung retarded na kapatid nung nasa picture.
Student kong si Eugene, marunong palang mag haduken.
Mabenta.
Bonus:
Picture nung Rock Awards, ok din pala yung cam ng cellphone ko.
Bulalas ni Dan Yamat at 5:53 PM 0 comments
Aftershock
Dahil sa labis na katamaran ko, ngayon ko lang napost yung nangyari nung reunion namin. Nagsabi pa naman ako key Yves na gagawa ako ng blog tungkol dun.
Anyhow...
Masaya naman yung reunion, medyo wala nga lang ako masyado kakilala sa mga dumating dahil puro tiga Poly, pero awa ni Batman mey mga dumating na full blooded Pilarians kaya ok naman. Kala ko nga masusuper duper OP ako atmaiiwan lang na nakatanga dun pero hindi pala. Ok yung pagkain, tapos dami beer. Nakita ko yung mga dating mukha, naging mga bago na. Nakakaaliw. Mga maliliit na bagay na nagpapasaya sakin. Mei dumating na tatlong teachers, isa lang din naging teacher ko, si Mr. Tabu. Yung isa naman kilala ko kasi naging kaibigan ko yung anak nya. Puro picture picture ang naganap, at sangkatutak na kwentuhan. Nakakaaliw talaga.
Hindi dumating si Veni, asshole tlga yun.
After dun sa venue lumipat kame ng lugar, sa bahay nung isang tiga Poly, pero umuwi agad kame dahil naging dramatic actor of the night si Robert at inaantok na daw sya.
So wala na akong iba pang sasabihin. Masaya yung reunion, mahusay yung nag-organize at malakas ang kutob ko na magiging astig yung 10th year reunion next year.
Shit, 10 years...
Bulalas ni Dan Yamat at 5:34 PM 0 comments
Pio
Pio - eto ang palayaw ng malupit kong hayskul. Pio del Pilar Educational Institution ang buong pangalan. Tatlong taon lang ako nakapag-aral dito dahil bago pa man ako humantong ng 4th year, binili ito ng gobyerno at ginawang pampubliko.
Syempre bilang isang "Pilarian" nakakabadtrip yun, pano pinangako sa amin na hinding hindi daw ito ibebenta kahit anong mangyari, kung alam lang sana namin na ibebenta ang hayskul namin, nakalipat sana kame ng maaga aga sa ibang eskwelahan. Mahirap magtransfer lalo na pag 4th year ka na.
Makati High School (Pio del Pilar Annex) - Eto yung sinabing ipapalit na pangalan. DAMMIT! Bakit mey Makati High School sa pangalan?!
MakatiHay - Eto ang kinasusuklaman na eskwelahan ng mga tiga-Pio. Bawal, I mean BAWAL, sumabit sa jeep pag pauwi ka dahil pag dating mo sa bandang Escuela St., sapok ang aabutin mo sa mga estudyante ng Makatihay na nagaabang din ng jeep malapit sa kanilang eskwelahan. Nag-aangasan ang dalawang eskwelahan pag nagkakasalubong sa mall, nagpapakyuhan sa jeep, nagtitinginan ng masama sa kalsada, at madami pang ibang masasamang bagay ang ginagawa ng dalawang eskwelahan pag nagkakaenkwentro. Ewan ko kung bakit ganun, malamang siguro ay kame ang pinakamalapit sa eskwelahan sa isa't-isa.
makatihay - "pio bulok! pio bulok"
pio - "makatihay sabog! makatihay sabog!"
Almost or more than half ng Pilarians ang umiskyerda. Naglipatan ng school. Konti nalang ang natira. Kami yun.
Akala ko madagdagan lang ng estudyante ang Pio, tapos magbabago lang ng pangalan, tapos madadagdagan ng konting teachers, tapos magbabago ang uniform, tapos mas magiging maluwag ang mga rules and regulations, tapos... tapos.. tapos...
Hindi akalain, ang hayskul ko pala ang natapos...
Baliktad ang nangyari, mas madaming bagong estudyante, halos wala nang teachers galing pio, kame ay mga estranghero sa sarili naming lugar.
Pamantasan ng Makati Technical High School or Poly - Eto ang hayskul na inilipat sa lugar ng Pio, so bale lahat ng estudyante nila ay itinambak sa amin, siguro 65% ng mga estudyante dito nanggaling. Nagulat ako nung first day, kame kasi ang nagmistulang transfer students, kame yung nasa sulok, kame yung nananahimik. Nung first day pinaghiwalay ang mga tiga Pio at mga tiga Poly sa gitna ng quadrangle, obvious na mas madami sila. Mey teacher sa stage, nagtanong sya: "Saan ang mga tiga Poly?", isang malakas na hiyawan ang sagot, tinanong naman nya "Saan ang mga tiga Pio?", isang malakas at lumilindol na "BBOOOOOOOO!!" ang narinig ng lahat. Sobrang badtrip ako sa mga tiga Poly, sobraaang badtrip!!
Ngunit...
Gusto ko mang ikwento ang mga nangyari nung 4th year, hindi ko na siguro gagawin, masyadong mahaba, at masyado akong tamad para gawin yun. Bale papaikliin ko nalang...
Madaming palang tiga Poly ang astig, madami pala akong makakasundo, parang bagong mundo ang naranasan ko kumpara sa tatlong taon na inilagi ko sa Pio dati. Masaya ang Pio, hindi ko to sinasabi dahil dun ako galing pero dahil eto ang totoo, pero hindi din naman pala masama ang Poly, madami silang events sa school kumpara sa Pio, madami clubs, madami orgs, at madami ding magagandang students, hehehe. Madami ako naging tropang bago. Masaya din. Sabit lang sa ibang teachers na galit na galit sa mga Pio na para bang anak ng asawa nila sa kabit. Naisip ko nalang din na hindi masyadong iba yung naramdaman nila sa naramdaman ko nung nalaman nila na mawawala na din yung hayskul nila.
If you have lemons, then make lemonade.
Ginawa nalang naming masaya yung nangyari, ang kulit nga eh kasi nagkaron ako ng girlfriend na tiga Poly, tapos yung girlfriend ko ng more than 4 years ngayon dati ring tiga Poly.
Conclusion: Sobrang ok yung hayskul ko at eto lang ang aking masasabi - Pio bulok!
hahaha.
Bulalas ni Dan Yamat at 2:49 PM 0 comments
Monday, April 6, 2009
small talks
Teacher: Yamat, go to the map and find North America.
Dan:---- Mam, eto po!
Teacher: Beri gud! Ngayon class, who discovered America?
Veni:-- - Mam si Dan po!
Bulalas ni Dan Yamat at 9:30 PM 0 comments
Ka-Batch ba Kita?
ka batch kita kung…
- kilala mo c fido dido
- naasar ka kei l.a. lopez at sa dual sunvisor cap nya..
- alam mo ang show ni michael v. na "ready set go"
- kala mo totoo ang wwf at kala mo din hindi natatalo si hulk hogan
- nakakain ka na ng pompoms, zoomzoom, tatak pinoy at e.t.
- natrade mo ang mga bote sa inyo kapalit ng chichirya na nakalagay sa dyaryo..
- nagalit ka or natuwa ka kei ukirampa
- kilala mo ang original takeshi’s castle host (anjo and smokey)
- kilala mo si denver the last dinosaur, mr. bogus, eek the cat, alvin, simon and theodore (chipmunks)
- nabasa mo ang mga kwento ni combatron, superblag, kenkoy, petit, tomas & kulas at tinay pinay
- naabutan mo sa eat bulaga si christine jacob at rio diaz
- gus2 mong masali dati sa maskman, jetman, power rangers, bioman at google 5
- nagtaka ka kung sino ang mas magaling kei ultraman at magmaman
- nag laro ka ng teks, at nging pamato mo ang panday, kumander bawang at markang bungo
- nahilig ka sa nata de coco na nasa sachet
- ginamit mo sa tumbang preso ang tsinelas na rambo
- nakapag pagupit ka na ng "undercut" at "gupit binata"
- nanood ka ng mga lumang martial arts films sa sbn21 at abc5
- naubos ang pera mo sa pagrenta ng game and watch, viewmaster at pagtaya sa bunutan ng bibe at pugo.
- nagmadali kang umuwi dahil 4:30 NA! ANG TV NA!
- naiyak ka nung namatay si nelo.
- ala mo kung pano sayawin ang "always".
- nabentahan ka ng buto ng halaman sa school.
- nanood ka ng "wok with yan" kahit wla kang balak magluto.
- alam mo ang silbi ng "up up down down left right left right b a b a select start".
- hinipan mo dati ang cartridge ng family computer dahil "ayaw basahin".
- nagrerenta ang tatay mo dati ng bala ng betamax
- excited ka dating uminom ng "flinstones multivitamins" khit hindi naman masarap.
- nakapaglaro ka na ng play-do, polly pocket, g.i. joe, he-man, at micro machines.
- alam mo kung ano ang sinabi ni nena nung sya ay bata pa.
- naabutan mong kalaban ng eat bulaga ang lunch date, sst, sang linggo na po sila at chibugan na..
- pinangarap mo dating makapasok sa tree house ni peter pan (dinub ni earl ignacio)
- alam mo ang basic steps nila ogie at micheal v sa pag sinasayaw nila ang caronea.
- nagtaka ka kung mswerte ba tlga ang seiko wallet.
- naging crush mo si thalia
- na astigan ka sa batang x (si g-boy chaka kidlat nalang naalala kong characters)
- alam mo na si jay muna bago si joey ang partner ni mel.
- tumalino ka sa kakapanood ng mga trivias ni ernie baron.
- natakot ka sa magandang gabi bayan halloween special.
Bulalas ni Dan Yamat at 9:28 PM 0 comments
Friday, April 3, 2009
Pio: The Reunion
Wow. Kung iisipin mo, 9yrs na ang nakakaraan mula nung hayskul, yak oldies..
Nagkakalkal lang ako ng friendster account ko nang mey mkita ako post sa bulletin board ako tungkol sa isang reunion ng aking makamandag na hayskul, syempre dahil isa akong (as my sister say) "katikatero", pinasok ko ang naturang post at biruin mo, batch ko yung tinutukoy ng nasabing post.
Shit!
Binilang ko yung taon.
Holy smokes! Akala ko isang dekada na ang itinanda ko mula nung 4th yr. Hindi pa pala, heheheh, whatta relief..... teka?! Pucha! 9 years na pala, isang taon lang ang diprensya..... damn.
Anyway highway,
Halong excitement at kaba, makikita ko kasi ang mga mukha na dati kong nakakasalamuha limang araw sa isang lingo, wait, mga dalawa hanggang tatlo lang pala kasi lagi akong absent. Tapos pakitaan kung saan na ang inabot nang buhay mo matapos ang paghihiwalay siyam na taon ang nakakaraan. Kaba, kasi malamang pagusapan na kung ano na ang napuntahan ng buhay mo matapos ang unang stage ng pagtupad mo sa mga plano mo matapos mong mahawakan ang diploma mo, in short - "uy kumusta ka na?".
Leche ka Veni hindi ka pa rin nagtetext, ang corny pag magisa lang ako pupunta.
Wala sana ako balak pumunta, really, kasi hindi naman pupunta karamihan sa mga naging ka close ko, hindi naman ako interesado sa ibang dadalo, meron naman silang pinaplano na grand reunion (The Final Set) next year, I mean mas malaki to chaka mas kumpleto, sa school grounds pa! astig!
Pero..
Hindi ko alam, kahit hindi ko kilala karamihan sa mga pupunta, mey nararamdaman akong miss kahit konti, tinutulak ako ng sarili ko na pumunta sa isang pagtitipon ng mga taong katulad mo ay pumunta sa isang eskwelahan kung saan nabuo ang pagkatao mo, hindi ko alam sa iba pero ganun ang nangyari sa akin. Ang hayskul ang umukit sa kung sino man ako ngaun. Nung natapos ang hayskul non' naramdaman ko na ready to fight na 'ko, bring it on!
Hahaha.. Ano kaya mangyayari bukas?...
Bulalas ni Dan Yamat at 9:26 PM 0 comments
Thursday, April 2, 2009
What The Pacman?!
Sa May 2 yung laban ni Hatton chaka Pacquiao diba?
Hindi ko sure pero sigurado naman na manonood ako, ikaw, sila, at tayong lahat.
Nung last na laban ni Manny kei Dela Hoya naghahanap ako ng kapustahan, pano ba naman, lahat ata ng tao sinasabi na dehado si Pacquiao, lahat sila Oscar, ako Manny.
Nagtataka ako nun, andami nang binugbog ni Manny na Mexicano, bakit wala padin silang bilib? Laking probinsya yun eh, sanay sa init, pawis, at sakit ng katawan. Hindi ko na nga maalala yung last time na tumumba si Manny.
Ayun nga, naglaban sila (birthday ko yun) at pagkatapos nang laban, nawala ang kinang ni pareng Oscar. Ang Golden Boy naging si Boy Tansan. Masaya ang buong pilipinas, ako hindi, wala kasing pumusta...
Napanood mo ba yung balita na inatras daw ni Pacman yung pagbobroadcast ng Solar ng laban nila ni Hatton tapos binigay nya yung rights sa ABS-CBN?
WTF?!
Hindi ko alam na kaya palang pagdesisyunan ni Pacquiao yun?! Akala ko usapan un nang Local Network chaka ng Network na magbbroadcast nun internationally, ang alam ko HBO.
Ano ba naman tong si Manny, hindi nalang pagpapractice ang inatupag. Alam kong mei karapatan sya dun sa pagbbroadcast ng laban nya pero ever since naman Solar na yung nagpapakita ng mga laban nya.
Pag nanonood ka ng laban ni Pacquiao, lagi sinasabi ng mga commentators na "Manny does not fight for himself but for his country".
Alam kong kukulatain ni Pacman si Hatton, no doubt, pero first time ako manonood na ok lang kahit matalo si Manny.
Teka...
Totoo pa ba yun? Para sa atin pa ba ang laban na to? Hindi na siguro.
Para sa'yo, ang laban na 'to.
Para sa'yo, ang smart sim na 'to.
Para sa'yo, ang nike na 'to.
Para sa'yo, ang darlington socks na 'to.
Para sa'yo, ang vitwater na 'to (you know).
Para sa'yo, ang no fear na 'to.
Para sa'yo, ang pony na 'to.
Para sa'yo, ang alaxan na 'to.
Dito lang sa Penuy Rikards.
Bulalas ni Dan Yamat at 2:58 PM 0 comments
Labels: hatton, manny pacquiao, pacman