Tuesday, April 14, 2009

Pio

Pio - eto ang palayaw ng malupit kong hayskul. Pio del Pilar Educational Institution ang buong pangalan. Tatlong taon lang ako nakapag-aral dito dahil bago pa man ako humantong ng 4th year, binili ito ng gobyerno at ginawang pampubliko.



Syempre bilang isang "Pilarian" nakakabadtrip yun, pano pinangako sa amin na hinding hindi daw ito ibebenta kahit anong mangyari, kung alam lang sana namin na ibebenta ang hayskul namin, nakalipat sana kame ng maaga aga sa ibang eskwelahan. Mahirap magtransfer lalo na pag 4th year ka na.

Makati High School (Pio del Pilar Annex) - Eto yung sinabing ipapalit na pangalan. DAMMIT! Bakit mey Makati High School sa pangalan?!

MakatiHay - Eto ang kinasusuklaman na eskwelahan ng mga tiga-Pio. Bawal, I mean BAWAL, sumabit sa jeep pag pauwi ka dahil pag dating mo sa bandang Escuela St., sapok ang aabutin mo sa mga estudyante ng Makatihay na nagaabang din ng jeep malapit sa kanilang eskwelahan. Nag-aangasan ang dalawang eskwelahan pag nagkakasalubong sa mall, nagpapakyuhan sa jeep, nagtitinginan ng masama sa kalsada, at madami pang ibang masasamang bagay ang ginagawa ng dalawang eskwelahan pag nagkakaenkwentro. Ewan ko kung bakit ganun, malamang siguro ay kame ang pinakamalapit sa eskwelahan sa isa't-isa.

makatihay - "pio bulok! pio bulok"
pio - "makatihay sabog! makatihay sabog!"

Almost or more than half ng Pilarians ang umiskyerda. Naglipatan ng school. Konti nalang ang natira. Kami yun.

Akala ko madagdagan lang ng estudyante ang Pio, tapos magbabago lang ng pangalan, tapos madadagdagan ng konting teachers, tapos magbabago ang uniform, tapos mas magiging maluwag ang mga rules and regulations, tapos... tapos.. tapos...
Hindi akalain, ang hayskul ko pala ang natapos...

Baliktad ang nangyari, mas madaming bagong estudyante, halos wala nang teachers galing pio, kame ay mga estranghero sa sarili naming lugar.



Pamantasan ng Makati Technical High School or Poly - Eto ang hayskul na inilipat sa lugar ng Pio, so bale lahat ng estudyante nila ay itinambak sa amin, siguro 65% ng mga estudyante dito nanggaling. Nagulat ako nung first day, kame kasi ang nagmistulang transfer students, kame yung nasa sulok, kame yung nananahimik. Nung first day pinaghiwalay ang mga tiga Pio at mga tiga Poly sa gitna ng quadrangle, obvious na mas madami sila. Mey teacher sa stage, nagtanong sya: "Saan ang mga tiga Poly?", isang malakas na hiyawan ang sagot, tinanong naman nya "Saan ang mga tiga Pio?", isang malakas at lumilindol na "BBOOOOOOOO!!" ang narinig ng lahat. Sobrang badtrip ako sa mga tiga Poly, sobraaang badtrip!!

Ngunit...

Gusto ko mang ikwento ang mga nangyari nung 4th year, hindi ko na siguro gagawin, masyadong mahaba, at masyado akong tamad para gawin yun. Bale papaikliin ko nalang...

Madaming palang tiga Poly ang astig, madami pala akong makakasundo, parang bagong mundo ang naranasan ko kumpara sa tatlong taon na inilagi ko sa Pio dati. Masaya ang Pio, hindi ko to sinasabi dahil dun ako galing pero dahil eto ang totoo, pero hindi din naman pala masama ang Poly, madami silang events sa school kumpara sa Pio, madami clubs, madami orgs, at madami ding magagandang students, hehehe. Madami ako naging tropang bago. Masaya din. Sabit lang sa ibang teachers na galit na galit sa mga Pio na para bang anak ng asawa nila sa kabit. Naisip ko nalang din na hindi masyadong iba yung naramdaman nila sa naramdaman ko nung nalaman nila na mawawala na din yung hayskul nila.

If you have lemons, then make lemonade.

Ginawa nalang naming masaya yung nangyari, ang kulit nga eh kasi nagkaron ako ng girlfriend na tiga Poly, tapos yung girlfriend ko ng more than 4 years ngayon dati ring tiga Poly.

Conclusion: Sobrang ok yung hayskul ko at eto lang ang aking masasabi - Pio bulok!

hahaha.

0 comments:

 
Blogger design by suckmylolly.com